Kabanata 35

77 7 0
                                    

Kabanata 35

She left me

Kyle's POV

Tulala lang ako habang pinagmamasdan ko siyang umalis palayo saakin. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak lalo na at ako ang dahilan ng mga luhang bumabagsak sa kanyang mga pisngi.

Napag isipan kong bukas ko na lang siya kakausapin, hahayaan ko munang lumamig ang kanyang mainit na ulo. Kitang kita ko kasi kanina kung gaano siya kagalit saakin,pero mali ang iniisip niya, hindi ko siya magagawang saktan dahil mahal na mahal ko siya.

Pumasok na ako sa loob ng unit ko at agad kong kinuha ang longsleeve polo ko na nabitawan ko kanina. Sinuot ko ito bago bumaling kay Cassandra.

"Ano masaya ka na ha?! Nasaktan ang mahal ko dahil sa kahibangan mo!" nakita ko namang lumandas ang kanyang mga luha pero hindi ako nagpatinag.

"Get out!" sigaw ko.

Agad naman siyang umalis,umupo ako sa sofa habang sapo sapo ang ulo ko. Wala na! Sira na ang surpresa ko sakanya!

Natigilan na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko, agad ko itong kinuha at sinagot ko ang tawag ni Andrew.

"Hello pre!  Naka ready na lahat dito yung pinapagawa mong surpresa!" aniya.

"Huwag niyo ng ituloy, sira na ang plano kong proposal," sagot ko sa kabilang linya bago ko ibaba ang phone ko. Fuck! Sinira ni Cassandra ang lahat!

Napapikit ako habang inaalala ko kung papaano ko nakilala si Yvienna. Bata palang kami ng nakilala ko na siya, sinama kasi ako ng mga magulang ko sa isang party.

"Hoy bata! Ba't ayaw mo sumali sakanila?!" tanong ng isang magandang batang babae habang nakaturo sa mga batang naglalaro na hindi kalayuan sa kinakatayuan namin.

Hindi kaagad ako nakasagot,natulala lang ako dahil sobrang ganda niya.

"Hoy! Alam kong maganda ako so tayo na lang ang maglaro!" aniya.

"S-sige!"

"May laruan ka?" tanong niya. Agad naman akong umiling.

"Mag taya-tayaan na lang tayo! Ikaw taya ha! Habulin mo ko!"

Agad ko naman siyang hinabol, kalaunan ay nataya ko na rin siya.

"Taya!" sigaw ko.

"Ayoko na pagod na ko!"

"Ang daya mo naman,ano bang pangalan mo?" tanong ko.

"Yvienna Keith Mendoza, ikaw?"

Sasagot na sana ako ng biglang tinawag na ko ni Mommy.

"Kyle, tara na uuwi na tayo."

"Bye!" paalam ko. Agad naman siyang kumaway saakin.

Hindi ko na siya nakita pang muli, nasa ika apat na baitang na ko sa pagaaral ng naisipan kong isearch siya sa google. Tinipa ko ang pangalan niya at lumabas roon na anak siya ng may ari ng sikat na Mendoza's resort.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon