Kabanata 5

186 20 3
                                    

Kabanata 5

Flash

Kasalukuyan kaming nakikinig sa aming talakayan. Nasa bandang gitna kami ni Tiffany habang si Kyle ay nasa may unahan.

Nakapangalumbaba ako habang nilalaro laro ko ang ballpen ko. Nang biglang nagtanong si Sir.

"Since na physics ang pinagaaralan natin ngayon, What is physics?Anyone?"

Biglang nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko.

"Physics is our topic for today sir." aniya.

Bigla namang nag sitawanan ang mga kaklase ko maski itong katabi ko. Hindi ko na rin tuloy maiwasang makisabay sa hagikhikan ng bawat isa.

"Just kidding sir, Physics is a branch of science that concerned with the natures and properties of matter and energy."

Nagpalakpakan naman ang bawat isa maliban saakin. Hindi tapos ang sinabi niya, alam ko ang kumpletong sagot kaya agad kong itinaas ang kaliwang kamay ko.

"Yes Ms.Mendoza? any answer?"

"Sir, her answer is incomplete."

"So what is the complete answer Miss Mendoza?"

Magsasalita na sana ako ng bigla akong nakarinig ng bulungan malapit sa pwesto ng babaeng sumagot kanina.

"Ano ka ngayon, yabang kasi eh." bulong ng babaeng sumagot kanina.

Kung sampalin kaya kita diyan!Nagkibit balikat na lang ako at taas noong humarap sa prof namin.

"Physics is the branch of science concerned with the nature and properties of matter and energy. The subject matter of physics, distinguished from that of chemistry and biology, includes mechanics, heat, light and other radiation, sound, electricity, magnetism, and the structure of atoms."

Bakas sa mukha ng prof namin ang gulat dahil sa sinabi ko. Nagpalakpakan naman silang lahat maliban sa inggiterang sumagot kanina.

Uupo na sana ako ng biglang nagtanong ulit saakin si Sir.

"What is matter Ms.Mendoza?"

"Matter is physical substance in general, as distinct from mind and spirit that which occupies space and possesses rest mass, especially as distinct from energy."

"How about energy, what is energy?"

"Energy is the strength and vitality required for sustained physical or mental activity."

"Then what is the definition of vitality?"

"Vitality is the state of being strong and active."

"Bravo Miss Mendoza! Napaka husay mo!"

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Sinuklian ko sila ng matatamis na ngiti at agad akong umupo sa aking upuan.

"Galing mo Sissy!" bati ng katabi ko.

"I know right!" sabay naman kaming nagtawanan sa isa't isa.

"Matalino ka na niyan?!" parinig ng babaeng sumagot kanina.

"Inggit ka na niyan?!" pagtataray ko.

Sabay ulit kaming tumawa ni Sissy dahil sa sinabi ko. Inirapan na lang namin siya.

"Ano bang pangalan nung babaeng yun!" tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko siya si Veronica." aniya.

Napatango tango na lang ako bago muling lumingon sa unahan. Nagpatuloy sa pagtuturo si Sir habang kami ay nakikinig ng maigi.

---------

Naglalakad na kami ni Tiffany palabas ng unibersidad. Nang nakalabas ay agad niya akong nilingon.

"Sissy, ayan na service ko oh!Babye!" pagpapaalam niya.

Kumaway na lang ako sakanya at kinawayan niya rin ako pabalik. Pinanood ko lang siyang pumasok sa kotse nila bago ito tuluyang umalis.

Kinuha ko ang phone ko at agad na nagtipa ng mensahe para kay Mang Betong. How I wish na sana magkaroon na ako ng sarili kong kotse nang sa ganoon ay hindi ko na kailangang mag-antay pa kay Mang Betong.

Siguro sasabihin ko na lang iyon kay Daddy sa Birthday ko. Kaso December 10 pa ang aking kaarawan, napakahabang araw pa ang aking aantayin para makamit ang aking hinihiling.

Napaigtad ako ng biglang may batang kumulbit saaking baywang. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang madungis na batang babae.

Alam kong maldita ako pero may puso rin naman ako para sa mga batang kagaya niya.

"Ate, penge peya."

Bata pa talaga siya dahil hindi niya mabigkas ng maayos ang pera. Yumuko ako ng bahagya para magkapantay kaming dalawa ng bata.

"Magkano ba ang gusto mo?" malumanay kong tanong.

"Benye lang po."

Natawa na lang ako sa pagkakabigkas niya sa bente. Bahagya kong ginulo ang buhok niya at mas lalong lumaki ang ngiti ko ng narinig ang tawa niya.

"Bente lang?" tanong ko.

Dumukot ako sa aking bulsa at agad ibinigay sakanya ang isang daang pisong buo.

"Oh ayan, bili ka ng maraming pagkain mo ha." sabi ko.

Tumango naman ang bata at pasayaw sayaw siyang naglakad palayo saakin.
How I wish na sana ay magkaroon ako ng isang nakakabatang kapatid.

Natigilan na lang ako ng nakarinig ako ng yapak na mukhang kakalabas lang ng gate ng University.

Sinulyapan ko ito at laking gulat ko ng nakita kong si Kyle yun. May nakapasak na earphones sa kaniyang magkabilang tainga at abala sa pagkakalikot sa kanyang phone.

I wonder kung may jowa ba siya o wala? Tumayo ako ng tuwid at agad na may pumasok na kalokohan sa aking isipan.

Kinuha ko ang phone ko at bahagya ko itong itinapat sakanya. Hindi niya naman siguro ako napansin kaya pinindot ko ang camera ng phone ko.

Nang nakakuha ako ng magandang angulo ay agad ko siyang kinuhaan ng litrato nang biglang umilaw ang likod ng phone ko dahil sa flash nito.

"Shit!"

Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil bigla siyang lumingon saakin. Kunot ang noo nito at bahagyang nakataas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Titingin tingin mo diyan?!" pagtataray ko.

Napailing-iling siya at halos malaglag ang panga ko ng bigla niya akong nginisian. Shet! Ang gwapo niya!

"Kung gusto mo ng picture ko, madami ako nun dito sa bag."aniya.

Ay! Ang kapal! Binabawi ko na palang gwapo siya. Sinamaan ko siya ng tingin at patuloy parin ito sa pag ngisi saakin.

"Feeling ka? Kinuhanan ba kita ng litrato ha? Binuksan ko lang naman yung flashlight ng phone ko ah!" sige lang self, itanggi mong kinukuhanan mo siya ng litrato kanina.

"Flashlight sa ganitong kaliwanag?" he said then smirked.

"Hoy! Dapit hapon na kaya, medyo madilim na kaya kailangan ko ng ilaw!"

"Tsk!" aniya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may pumaradang kotse di kalayuan sa kinakatayuan ko. Sumakay doon si Kyle at napaigtad ako ng bumaba ang salamin ng kotse.

"Hi, Yvienna!" bati ni Andrew.

"Hello!"

"Una na kami ha! Bye!" aniya.

Pinanood kong umalis ang kotseng sinasakyan nila Kyle. Natigilan na lang ako ng biglang may bumusinang kotse sa harapan ko.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon