Kabanata 4

182 23 3
                                    

Kabanata 4

Future Wife

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nasasaksihan. Tumikhim ako at akmang aalis na ng biglang nagsalita ang bruha.

"Where are you going?" tanong niya.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
Bumaba ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Kyle.

Ibinalik ko ang aking paningin sa malanding bruha.

"Sa impyerno, tatawagin ko si Satanas para sunduin ka!"

"How dare you!" Nilingon niya si Kyle, sabay turo saakin. "Babe she's irritating me!"

Aba't nagsumbong ka pa ha!Napatingin ulit ako sa kamay ng bruhang nakakapit kay Kyle.

Pilit na tinanggal ni Kyle ang kamay ng bruhang ito na nakakapit sakanya. Nanlaki ang mga mata ko ng bahagyang tinulak niya palayo sakanya ang bruha.

"I'm not your babe!" mariin niyang pagkakasabi.

Walang pasubali siyang umalis at hindi manlang nagawang lingunin ang bruhang ito. Ano ka ngayon!

Napangisi na lang ako, napaka desperada pala nitong bruhang toh eh.

"Arghh! Look, iniwan niya ko dahil sayo!" aniya.

"Who's asking?"

"Naghahanap ka talaga ng away noh!" sigaw niya.

Mas lalong namula ang mukha niya dahil siguro sa sobrang galit na nararamdaman niya. Napansin ko ring halos lahat ng estudyante rito ay pinapanood  na kami.

"Look who's talking," I said calmly.

"Kilalanin mo ang binabangga mo!"

Nagbabaga na ang kanyang mga matang nakatitig saakin. Sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti. Mas lalo siyang nagalit dahil sa ginawa ko.

"Bakit,sino ka ba?!" pagtataray ko.

"I'm Cassandra Soriano, Kyle's future wife so back off!"

"Oh, you're so desperate. Stop day dreaming!"

"How dare you! Inaanak ako ng Mommy ni Kyle so kayang kaya kitang paalisin sa University na ito!"

"Ano ngayon kung inaanak ka ng may ari ng University na ito! Ako, anak ako ng Mommy at Daddy ko!"

Nakarinig ako ng tawanan galing sa mga nanonood sa amin. I rolled my eyes at her bago umalis para bumalik sa table namin ni Tiffany.

"Let's go Sissy, I lost my appetite."

Tumango naman siya at agad na tumayo. Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nakatingin saakin ng masama ang bruha.

I smirked at her. She just rolled her eyes at me. I shrugged my shoulders bago ko lingunin si Tiffany.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng Cafeteriang ito. Nang nakalabas ay agad akong bumuntong hininga.

"Idol talaga kita Sissy!" aniya.

Napailing-iling na lang ako sakanya ng biglang nakarinig kami ng tilian di kalayuan kung nasaan kami.

"Ano yun?" taka kong tanong.

"Huwag mo na lang pansinin yun, dati pa yan eh!" aniya.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Curiosity is killing me!

"Ano nga kasi yun!" pamimilit ko.

"Oo na, sundan mo ko at ipapakita ko sayo kung anong mayroon!" sabi niya bago naunang naglakad.

Kalaunan ay huminto kami sa isang court? Halos mabingi ako ng narinig ko na naman ang tilian ng mga kababaihan. Ano ba kasing mayroon?!

Luminga-linga ako at dumiretso ang paningin ko sa mga naglalaro ng basketball. Bahagya akong lumapit upang makita ko ito ng maayos.

Shiz! Nandito si Kyle! Naglalaro sila ng basketball. Hindi ko matanggal ang paningin ko sakanya. He suddenly glanced at me, I looked away and I faced Tiffany that was already panting besides me.

"Why are you panting?"

"Loka ka! Hinabol kaya kita! Kung saan saan ka nagsususuot!"

Ganon na ba kalayo ang nilakad ko para lang makita kung sino ang naglalaro ng basketball?

Napaigtad ako ng bigla niya akong hilahin at pinaupo sa upuang malapit sa mga bags ng mga players na naglalaro ngayon ng basketball.

Napasinghap ako ng natapos na silang maglaro. Sinulyapan ko si Kyle na ngayon ay nakakunot-noo habang nakatingin saakin.

Umiwas ako ng tingin at tumama ang aking paningin sa isang binatang palapit saamin.

"Hi Tiffany!" bati niya sa katabi ko.

Sumulyap siya saakin at agad na ngumiti. Nginitian ko rin naman siya pabalik. Lumingon ulit siya kay Tiffany at bahagyang kinindatan.

"Ipakilala mo naman ako sa kasama mo!" aniya.

"Andrew, this is Yvienna, Yvienna this is Andrew, ano ok na?!"

Napangiwi na lang ako sa inasta ni Sissy. Kung hindi ako nagkakamali, si Andrew ang tinuro niya kanina nung hindi pa nagsisimula ang klase namin.

"Oh, diba kaklase kita!" aniya.

"Yup!" sagot ko.

Bigla namang may umakbay kay Andrew bago sumulyap saakin. Napansin kong medyo may bahid na  kulay pink ang buhok niya.

"Hi! I'm Justine," aniya bago ilahad ang kamay saakin.

Tinanggap ko naman ito at bahagyang nakipag kamay sakanya. Pamilyar siya saakin dahil isa siya sa nagpakilala kanina sa klase namin.

My bigla namang lumapit na dalawang lalaki sa kinauupuan namin. Pamilyar din ang mga mukha nila dahil nakita ko rin sila sa room namin.

Halos lahat sila ay ka blockmates ko sa first subject. Naglahad ang dalawa ng kamay saakin.

"I'm Zander!" aniya.

Nakipagkamay ako sakanya at bigla namang may tumulak rito.

"Hi!I'm Lester!" aniya.

Nakipagkamay din naman ako sakanya. Napansin ko ring may mga kulay sila sa buhok nila. Hindi naman buong buhok ang mayroong kulay.

Balak pa sana nilang magsalita ng biglang may tumikhim. Nilingon ko ito at nakita kong nakakunot-noo si Kyle habang nakatingin sa kamay ko.

Sinulyapan ko ang kamay ko at nakitang nakahawak parin doon si Lester. Tumikhim ako at agad binawi ang kamay ko.

Mukha namang napansin niya iyon kaya napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Sumulyap ulit ako kay Kyle na ngayon ay palayo na kung saan kami naroroon.

"Tara na Sissy!" pagaaya ko bago tumayo at humakbang paalis sa court.
Parehas kami ni Tiffany ng sched. Kaya sabay na kaming naglakad patungo sa second subject namin.

"Sissy! Kaparehas natin ng schedule si Kyle!" aniya.

"Ha? Pano mo nalaman?!"

"Sinabi saakin ni Andrew kanina."

Ngumisi naman ako dahil sa sinabi niya. Parang may something eh!Binatukan na naman niya ako.

"Aray! Nakakailan ka na ah!"

Hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon