Kabanata 64

43 4 0
                                    

Kabanata 64

Dream

"Hay nako Aya, tumigil ka na nga sa kakadaldal mo dyan ha!" saway ng nanay niya.

"Yan kase,"

"Ikaw rin Iya, kumain na nga kayo! A-ahm, pagpasensyahan niyo na po tong mga anak ko ha,"

"Ayos lang naman po," sabi ko.

Kinuha ni Inigo ang tabo dahil tapos na kong maghugas ng kamay. Kunot noo ko silang pinagmamasdan, pano ba kumain? Hindi ko alam kung pano kumain ng walang kutsara!

"Ahm, ate diwata, gusto mo turuan kita kung pano kumain gamit ang kamay?"

"Sige,"

"Ganto oh, gayahin mo ko," seryosong seryoso ako habang nakikinig sa kanya. Ginagaya ko din ang ginagawa niya.

"Gets mo na ate diwata?" tanong niya.

"Ah, oo, salamat ha," sabi ko sabay subo ng pagkain.

---------

"Ate Diwata, gusto mo bang matulog sa banig ko? Dun na lang muna ako sa upuan."

"W-wag na, ako na lang dun sa may upuan."

"No ate, hindi ako papayag, ikaw na dito sa banig at ako na dun sa upuan," aniya sabay lakad palayo saakin. Nagkibit balikat na lang ako habang pinagmamasdan ko ang banig na aking hihigaan.

Hayst, ang hirap pala ng buhay pag mahirap ka. Humakbang na ako palapit doon at nagsimula na akong humiga.

Nasan na kaya si Kyle? Natutulog na kaya siya ngayon? Baka may tumulong din sakanya, bukas na bukas, hahanapin ko ang hubby ko.

Ipinikit ko na ang aking mga mata. Hmmm, ang sarap matulog dahil pagod na pagod na ko.

zzzZZZZZ

Madilim, wala akong makita, tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko. Pawis na pawis na ko, lumuluha ako habang tumatakbo. Bakit ako tumatakbo? Bigla na lang may pumalo sa may likuran ko. And everything went black.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nasan ako? Ramdam kong nakatali ang dalawa kong kamay habang nakaupo ako sa isang upuan.

Tinignan ko ang mga paa ko at nakita kong nakatali din ang mga ito. Lumingon ako sa kaliwa at nakita kong nakagapos din si Kyle. Kyle?! Omg! Kyle!

"Kyle!" dahan dahan siyang tumingin saakin. Umiiyak siya? Bakit?!

"Shhh wifey, maririnig ka nila,"

Kinabahan ako nang nakarinig ako ng yapak ng mga paa. Dahan dahan akong lumingon dun at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Anong ginagawa niya dito?!

"Maam, wag po kayong maingay, papakawalan ko na po kayo, tumakas na kayo dahil papatayin nila kayo,"

"A-ano? Papatayin?!"

Hindi siya umimik, dali dali akong tumayo nang naramdaman kong natanggal na ang lubid sa aking magkabilang kamay at paa.

Agad akong lumapit kay Kyle at walang pasubali kong tinanggal ang mga lubid na nakatali sakanya.

"Tara na Kyle,"

"Hindi kayo makakatakas!" napatingin kami sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang itutok niya saakin ang baril.

"No!" agad na humarang si Kyle. Napapikit ako nang nakarinig ako ng putok ng baril.

"Wifey, dumilat ka, hindi ako nabaril," aniya.

"Ha?" agad akong dumilat at nakita kong nakabulagta na sa sahig ang taong babaril sana saamin. Pinagmasdan kong mabuti ang taong yun nang bigla siyang dumilat at agad na itinutok ang baril kay Kyle.

"Wag!"

Nagising ako nang biglang may natapon sa akin na kung ano.

"Ate diwata?! Ayos ka lang ba?!"

"Oo nga ate Yvienna, ayos lang po ba kayo?!"

"O-oo ayos lang ako,"

Grabe, panaginip lang pala ang lahat ng yun! Arghhh!!! Nakakatakot yun ah!

"Ate Yvienna, ito oh, pinabibigay ni Ina."

"Ano yan?" tanong ko.

"Damit niyo po, hindi ko pa po yan nagagamit kaya sainyo na lang po."

Damit pala yun? Akala ko basahan. Dahil bawal mag inarte ay agad ko itong tinanggap.

"Salamat ha,"

"Ate diwata, nandun yung banyo oh,"

"Sige, maliligo na ko." nagsimula na kong maglakad papasok sa banyo at agad akong naglinis ng katawan.

Nang natapos ay agad akong naghanap ng kahit anong tali. Kakatapos ko lang maligo pero pinagpapawisan na kaagad ako.

May nakita akong isang itim na goma, kinuha ko ito at agad kong tinali ang buhok ko.

"Hi Ate Diwata, sama ka samin!" aniya.

"Saan?"

"Magtitinda na kami sa palengke eh, gusto mong sumama?"

"Sige, sasama ako." sabi ko.

------

"Mabigat?" tanong ko sa kanila.

"Sobra ate, pero kakayanin!" kawawa naman sila, tatlo tatlong balde ang dala.

"Akin na yung isa," sabi ko.

"Ha? Wag na ate, mga isda yan,"

"Ayos lang," sabi ko sabay kuha sa isang baldeng puno ng isda.

"Omg! Ang bigat naman,"

"Sabi ko sayo ate eh,"

"Kaya yan! Tara na!" sabi ko.

Napakabigat huhuhu!

"Ate, dito na,"

"Hay salamat!" dali dali akong nagpunas ng pawis. Hayst, sobrang init!

"Ate, lapit ka dito," sabi nila.

"Bakit?"

"Maya maya, darating na yung echoserang frog, kaya mag ingat ingat ka ate, ang ganda mo pa naman, maiinggit yun sayo, lalaitin ka nun pramis!"

"Hay nako, kayang kaya ko yan," sabi ko. Yes! May laban ulit ako bwhahaha!

"Ina! Sinama namin si ate diwata ha!"

"Ha? Eh ayos lang ba sayo iha?"

"Ayos lang naman po, tulungan ko na po kayo,"

Ilang oras na kaming nakatunganga, wala paring bumibili ng mga isda sa amin. Hmmm, pano ko kaya sila matutulungan? Kailangan nilang makabenta, nakita ko kasing bebente pesos na lang ang pera nila.

"Ate diwata, may gagawin ako, sama ka?" aniya.

"Ano namang gagawin mo?" agad naman niyang binulong saakin. Napangiti ako sa naiisip niya.

Tumayo kami sa harapan. Ito na!

"Pasok mga Suki
Presyong Divisoria
Sampu-sampu, benta, trenta
at iba pa!" sabay naming kanta.

"Ate, kekembot tayo ha," aniya.

"1,2,3 go!"

"Pasok mga Suki
Presyong Divisoria
Sampu-sampu, benta, trenta
at iba pa!"

"Wahhh!!! Ate ayarn na! Ang dami ng bumibili kyahhh!!!"

"Tara, tulungan natin sila!" sabi ko.

Maya maya ay biglang parang may dumaan na anghel, bigla kasing tumahimik ang lahat. Anong meron?

"Psstt, anong meron?" tanong ko.

"Ayan na si echoserang frog, pati ang unggoy niyang nanay."

"Ha? Eh sino ba sila?"

"Sila ang nagmamay ari ng palengkeng toh, kanila daw kase tong lupa, nako teh, tulungan mo kami, wala pa kaming pambayad, arghhh!!! Papaalisin kami niyang mga mukhang pera na yan mygosh!"

Napatingin ako sa mga taong paparating, nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Omg! Kyle!

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon