Kabanata 30
Amusement Park
Yakap yakap ko ang aking unan nang biglang may naramdaman akong mainit na hangin na tumatama sa mukha ko. Wait? Humihinga tong unan ko?
Iminulat ko ang aking mga mata at,
O,O
Nakayakap ako kay Kyle habang siya ay nakayakap rin saakin. May naramdaman akong mabigat sa may parte ng hita ko at napagtanto kong nakadantay ang kaliwang binti ng hinayupak na ito saakin.
Wait! What? Katabi ko si Kyle?
Unti-unting nag sink in sa utak ko ang posisyon namin."Ahhhhhh!" sigaw ko. Napabalikwas naman siya at dali daling bumangon mula sa pagkakahiga niya.
"Ahhh! Asan na yung magnanakaw!" sigaw niya habang palinga linga sa loob ng kwartong ito.
Agad ko naman siyang binato ng unan.
"Aray! Ano ba!" angal niya.
"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sakin ha!"
"What?! Matapos kitang patulugin dito sa kwarto ko ganyan ang sasabihin mo sakin?!" aniya.
"Ba't ako nandito?!" sigaw ko.
Bigla ko namang naalala ang mga katangahang ginawa ko kagabi.
Shit! Sabi na nga ba at ganoon ang kalalabasan ng pagiinom ko eh!Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Shit nakakahiya yun! Naalala ko rin yung mga sinabi niya saakin kagabi. Omg!
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. Napagtanto kong suot suot ko ang isang t-shirt niya habang naka palda pa rin ako.
"Oh ano naalala mo na?" aniya.
"A-anong oras na?" tanong ko.Naalala ko kasing may pasok kami ngayon.
"Late na tayo, 11:00 na oh!"
"Pero,"
"Magbihis ka na, hindi tayo papasok,pinagpaalam na kita," aniya.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko patay ka na," aniya.
"What?!"
"Patay na patay sakin!" sabi niya sabay kindat. Agad ko namang binato ang isa pang unan sakanya.
---------
Kasalukuyan akong naliligo dito sa loob ng unit ko. Hayysst! Nakakinis!Nakakahiya ang pinag gagagawa ko kagabi!
Nang natapos ay agad akong nagtapis ng tuwalya saaking katawan. Nagsisipilyo ako habang naglalagay ng face cream sa mukha.
Bigla namang may kumatok sa pintuan nitong cr ko. Ha? Ako lang naman ang tao rito ah.
Bigla naman akong kinilabutan. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tumambad saakin ang hinayupak.
"Ahhhh!" sigaw niya.
"Hoy ano ba!"
"Multo!"
Agad ko naman siyang binatukan. Bwiset akala ko kung ano na.
"Biro lang hehehe!" aniya.
"Teka, paano ka nakapasok dito?"
"Nakalimutan niyo po kasing ilock ang pintuan niyo, kamahalan." aniya.
Lumabas na ako ng banyo, nakita ko naman na nangingialam siya sa ref ko. Kumuha siya ng isang pack ng tocino, hotdog at ham. Pinagmamasdan ko lang siya habang nilalapag niya ang kawali sa stove.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomansaYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...