Kabanata 18

109 11 0
                                    

Kabanata 18

Guidance Office

"Baby ,stop crying," sabi ko habang pinapalis ang kanyang mga luha gamit ang aking mga kamay.

"Ate, Am i ugly?"

"Ofcourse not! Sinong nagsabing pangit ka? Tara at sasapakin natin!" Tumawa naman ang lintek na hinayupak na nasa tabi ko.

I glared at him. Bumaling ulit ako sa kanyang nakakabatang kapatid.

"What is your name baby?" tanong ko.

"My name is Greyizza Louisse Zamora ate," aniya.

Tumigil siya sa paghikbi at lumingon sa kanyang kuya bago saakin.

"Ate, Are you kuya's girlfriend?"

"Hindi," sabi ko.

"Pa." dagdag ng hinayupak.

I heard her soft chuckle. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago tumayo ng tuwid. Aww! Ang cute niya talaga.

"Sana ako na lang ikaw Grey!" giit ng katabi ko.

"Why kuya?"

"Para mahalikan niya din ako sa pisngi!" Agad ko naman siyang binatukan. Ngumisi lang ang loko.

"Ate, what's your name po?"

"I'm Yvienna Keith Mendoza, baby."

"I know you! Ikaw yung nakita ko sa picture ni kuya sa-" hindi niya natuloy ang kanyang sinasabi dahil tinakpan ni Kyle ang bibig ng kanyang kapatid gamit ang kanyang palad.

"Ah ano Grey? Gutom ka na? Tara na uwi na tayo!" aniya habang nakatakip parin ang palad sa bunganga ng kapatid.

Anong picture ang sinasabi ng batang toh? Hmmmm parang may something ah!

"Tara na nga at pupuntahan pa natin ang kuya mong basagulero!" He said.

Napakunot-noo naman ako, may isa pa siyang kapatid? Binawi ni Kyle ang kanyang palad na nakatakip sa bunganga ng kanyang kapatid pagkatapos bumulong sakanya.

"Tara na Yvienna!" aya niya.

Tumango naman ako at nagulat ako ng biglang hinawakan ni Grey ang kaliwang kamay ko habang hawak niya rin ang kanang kamay ng kuya niya.

Parang may kung anong kumiliti sa puson ko. Napapangiti ako kaya kinagat ko ang labi ko para mapigilan ito.

Kalaunan ay nakarating kami sa tapat ng isang silid. Binasa ko ang nakasulat sa pintuan at ang nakasulat ay Guidance Office.

Kumatok roon si Kyle at agad naman itong bumukas. Tumambad saamin ang isang di gaanong katandaang babae. Mga nasa 50's siguro siya.

"Goodmorning Mr.Zamora, "Sumulyap ang babae saakin."Pasok kayo, hija." Aniya.

Tumango naman ako at saka ko siya nginitian. Nginitian niya rin ako pabalik. Nang nakapasok ay natanaw ko ang dalawang batang kasing edad lang ni Grey. Napatingin ako sa isang gwapo at cute na bata.

Nakaayos ang kanyang buhok kagaya ng kay Kyle. Sumulyap siya saakin at binigyan ako ng matamis na ngiti bago kinindatan. Walastik tong batang toh ah!

"Hi kuya!" Bati ng batang lalaking kumindat saakin.

"What did you do Dark?!" may diin sa pagkakasabi ni Kyle.

"Sinuntok ko siya kuya!" Aba't tuwang tuwa pa itong batang toh ah. Tinignan ko ang isang batang lalaking umiiyak, may pasa ito sa kanyang mukha.

"Umupo muna tayo," sabi ng babae.

Umupo kami sa may sofa kung saan nakaupo ang kapatid na lalaki ni Kyle habang ang isang batang lalaki naman ay nakaupo sa pang isahang sofa.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon