Kabanata 58

44 5 0
                                    

Kabanata 58

Date

Iminulat ko ang aking mga mata, naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa aking tiyan kaya agad ko itong tinignan.

Sus maryosep, kaya naman pala! Nakadagan saakin ang hita ni Kyle!

Dahan dahan ko itong tinanggal sa ibabaw ng tiyan ko at walang pasubali akong tumayo at lumabas sa aking kwarto.

Bumaba na ako at agad akong naghilamos nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Binuksan ko ang ref at agad kong kinuha ang isang garapong nutella at kumuha rin ako ng loaf bread. Nilapag ko muna ito sa lamesa bago ako kumuha ng tatlong saging.

Kumuha ako ng isang mangkok at dito ko inilagay ang lahat ng saging. Dinurog ko ito at nang natapos ay agad kong hinalo dito ang nutella.

Sinimulan ko na itong ipalaman sa tinapay at walang pasubali ko itong kinain. Mmmm ang charap!

"Wifey!" napatingin ako kay Kyle na bagong gising palang.

"Yes?"

"Ano yan?" aniya.

"Tinapay, gusto mo?" binigay ko kay Kyle ang tinapay na kinagatan ko na.

Parang nandidiri pa siya ng nakita niya kung ano ang palaman nun, napangiwi siya habang dahan dahang nilalapit ang tinapay sa kanyang bibig.

"Masarap?!" tanong ko.

Tumango lang siya bago tumakbo palapit sa may ref. Kumuha siya ng isang pitchel at nagmamadaling uminom doon.

"Magbaso ka nga!" sigaw ko.

"Sorry wifey, nauuhaw lang talaga ako,"

Nagkibit balikat na lang ako, pumunta na ko sa may sofa at agad kong binuksan ang tv.

"Wifey, maliligo lang ako ha!" aniya sabay labas dito sa aking unit. Sa kanyang unit kasi siya maliligo kaya siya lumabas.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na napigilang umiyak. Pano ba naman kase! Nakakaiyak tong drama na pinapanood ko huhuhu!

Lumapit ako sa may center table at agad akong kumuha ng tissue. Suminga ako ng suminga hanggang sa,

"Wifey?! Anong nangyari?! Ba't ka umiiyak?!"

"H-ha?"

"Anong nangyari?! May nagpadala na naman ba ng box?! O kaya ma-"

"Ang oa mo! Umiiyak ako kasi nakakaiyak yang drama na yan!"

"Ah, akala ko naman kung ano eh!"

Umupo siya sa tabi ko at walang pasubali niya kong siniil ng halik, palalim ng palalim ang aming paghahalikan nang biglang,

*Tok! Tok! Tok!*

"M-may tao!" sabi ko sa gitna ng aming paghahalikan ngunit hindi niya ko pinansin.

*Tok! Tok! Tok!*

"Anak ng teteng! Sino ba yan?!" sigaw niya, nagmamadali siyang tumayo at agad niyang binuksan ang pintuan.

"Ba't ba ng iistorbo- Ay kayo pala Sir, m-magandang araw po!" bati niya kay Daddy.

Napailing iling na lang ako habang lumalapit sa may pintuan.

"Hi daddy!"

"Hello baby!" aniya sabay pasok. Napansin ko ring ang sama ng tingin ni Daddy kay Kyle. Ba't kaya?

"Nabalitaan ko ang nangyari kahapon, ayos ka lang ba?"

"Yes po Daddy,"

"Huwag kang mag alala, nag dagdag ako ng limang guwardiyang magbabantay sayo."

"P-po? Edi sampu na ang guwardya ko?"

"Yup, pinapaimbestigahan ko na rin kung sino ang nagpadala ng box na yun, may hinala ako na ang nagtangkang bumaril sayo at ang nagpadala ng box kahapon ay nagmula lamang sa iisang tao."

Napasinghap naman ako sa aking nalaman. Sino naman kaya yun?!

"Mag ingat ka anak, at ikaw naman!" nagulat si Kyle nang bigla siyang tinuro ni Daddy.

"Alagaan at bantayan mo ang aking anak, subukan mong saktan ulit siya, sisiguraduhin kong mawawala ka na sa mundong ito!" namumutla naman si Kyle habang dahan dahang tumatango.

"Daddy! Wag ka namang ganyan,"

"Tandaan mo ang sinabi ko." Madiing pagkakasabi ni Daddy bago lumabas.

"Huy!" tawag ko kay Kyle.

"H-ha?"

"Ano ka ba! Wag mo na yung isipin,"

"A-ang alin?"

"Hay nako, buang ka ba?!"

"What?!"

"Alam mo, kumain na lang tayo!" sigaw ko.

"Kakain ka na naman?!"

"Oh, eh ano naman?!"

Kakatapos lang magluto ni Kyle ng adobo. Umupo na ako at napangiti ako ng inihanda na niya ang aking kakainin.

Nagsimula na kaming kumain, kalaunan ay natapos na kami. Akmang huhugasan ko na ang mga plato nang bigla niya itong inagaw sakin.

"Ako na,"

"No! Ako na!" sigaw ko sabay agaw sakanya ng plato.

"Ayokong mapagod ka kaya ako na,"

"Hindi naman toh nakakapawis eh,"

"Ako na nga sabi!" nakabusangot ako habang nilalapag ang hawak hawak kong plato.

"Edi ikaw na! Tse!" sabi ko sabay lakad palapit sa may sofa. Akmang uupo na ako nang biglang may yumakap saakin mula sa likuran ko.

"Galit ka?" aniya.

"Ba't ka nandito?! Dun ka na nga! Maghugas ka na!"

"Sorry na, nag aalala lang naman ako sayo at sa magiging mga anak natin eh."

Pumunta siya sa aking harapan at walang pasubaling lumuhod. Niyakap niya ang aking tiyan.

"Hi mga baby ko! Okay lang ba kayo diyan?" Napangiti na lang ako dahil sa ginagawa niya. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mahal mo na kinakausap ang magiging mga anak niyo.

"Tumayo ka na nga diyan,"

"Okay na tayo?" he asked.

"Oo na,"

"Yown, maupo ka muna diyan wifey ha," aniya sabay lakad patungong kusina.

Nanonood ako sa may tv nang biglang may nag vibrate. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko ang phone ni Kyle.

Tsk. Tsk.

Napakaburara talaga.

Binuksan ko ito, napangiti ako nang nakita ko ang wallpaper niya. Ako ang nandun, napawi ang aking ngiti nang biglang nag vibrate ulit ito.

From: Lucy

Hi Kyle, pumapayag ako na makipag date sayo, bukas ha! Sa may restaurant na nasa tabi ng Zamora's corp. Ily!

Parang umuusok ang aking ilong dahil sa sobrang galit ko. Ano toh?! Ba't may ganto?! Tsaka may ily pang kasama?! Arghhhh!!!

"Wifey? Nakita mo ba yung phone ko?" dali dali kong pinatay ang kanyang phone.

Ngumiti ako at agad ko itong ibinigay sakanya. Kunwari wala akong nabasa.
Date pala ha, bukas?!

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon