Kabanata 33
Period
Ginawa kong unan ang braso ni Kyle habang nakahiga kami sa malambot niyang kama. Nakayakap ako sakanya habang pinagmamasdan ko siya.
"Kamusta na si Cassandra?" tanong ko.
"Ayos na naman ang lagay niya, nagising na din siya kanina." aniya.
"Kasalanan ba natin yun?"
"Wala tayong kasalanan," aniya sabay haplos sa pisngi ko.
"I love you baby!"
Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko, nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin saakin.
"Ano? Hindi ko narinig? Pakiulit?"
"Ang sabi ko, I love you baby!"
"Ano ulit?"
"I love you baby!" sigaw ko. Bigla niya naman akong hinalikan sa aking noo.
Niyakap ko siya ng mahigpit bago ko ipinikit ang aking mga mata.
zzzzZZZ
----------Minulat ko ang aking mga mata, naramdaman kong wala na si Kyle sa tabi ko. Bumangon na ko habang nag uunat ng katawan nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo niya.
Lumabas roon si Kyle na may tapis na tuwalya sa kanyang beywang habang nagpupunas siya ng kanyang buhok. I gulped when I saw his six pack abs, natigilan na lang ako ng bigla siyang lumapit saakin.
"Good morning baby!" aniya sabay halik sa aking noo. Napakurap kurap ako habang tinitignan ko siya.
"G-good morning r-rin," Shit! Ba't ako nauutal?!
"Maligo ka na, may tuwalya na diyan sa loob ng cr, ayun na rin yung uniporme mo oh," aniya sabay turo sa upuan.
"Ok!" sabi ko. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako pumasok sa banyo. Naligo ako at nagsipilyo gamit ang kanyang toothbrush. Nang matapos ay agad akong nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto para hanapin si Kyle.
Bumaba ako at nakita ko si Kyle na dala dala na ang bag ko. Napangiti naman ako ng bigla siyang lumingon saakin.
"Mommy, alis na kami!" sigaw niya.
"Ha? Kumain na muna kayo! Maaga pa naman."
"Hindi na, kakain na lang kami sa labas," aniya sabay hila saakin.
Nakalabas na kami ng kanilang bahay, nilingon ko siya para kausapin.
"Kyle, kotse ko na lang ang gamitin natin."
"Ok baby," aniya.
Pumasok na kami sa sasakyan ko at nagsimula na akong magmaneho. Itinuro niya saakin ang daan kung saan kami kakain.
Huminto kami sa isang restaurant, bumaba na kami at nagsimula na kaming lumakad papasok roon.
Humanap na kami ng pwesto at pansamantala niya muna akong iniwan para umorder ng kakainin namin.
"Yvienna?" napatingin naman ako sa tumawag saakin.
"Uyy Divine ikaw pala yan!" sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang umupo sa katapat ko kung saan uupo mamaya si Kyle.
"May chika ako sayo, baka gusto mo lang naman," aniya.
"Ano ba yun?"
"Tinawagan ako kahapon, natanggap ako bilang fashion designer kyahhh!Tapos sabi nila mamili daw ako ng magiging model ko so gusto mo?" aniya.
"Ahmm,pagiisipan ko,"
"Tawagan mo na lang ako kung payag ka ha, bilis bilisan mo mag isip,aalis na ko next year patungong france."
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...