Kabanata 55
Tristan
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong tulog na tulog parin si Kyle. Awww! Ang gwapo naman ng hubby ko!
Napansin kong nakayakap pala ako sakanya habang nakadantay ang aking binti sa kanyang tiyan.
Bumangon ako at nag unat. Dahan dahan akong tumayo at lumabas sa aking kwarto. Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina upang magluto ng agahan namin.
I cooked fried rice first bago ako nag prito ng hotdog, ham, bacon at sunny side-up egg. Nagtimpla na din ako ng kape at gatas. Inihanda ko na rin sa lamesa ang mga plato, kutsara't tinidor nang biglang,
"Wifey?! Nasaan ka?! Iniwan mo na naman ba ko?!"
"Hoy! Huwag ka ngang OA, nandito ako noh!" sigaw ko. Dali dali siyang tumakbo palapit saakin at walang pasubali niya kong niyakap ng mahigpit.
"Akala ko iniwan mo na naman ako," aniya sabay halik saaking pisngi.
"Umupo ka na nga diyan, kakain na tayo." sabi ko.
"Wow! Ang sarap naman niyan!" aniya.
"Hindi mo pa nga natitikman eh!"
Nagsimula na kaming kumain at kalaunan ay natapos na rin.
"Papasok ka wifey?" tanong niya.
"Ahmmm, pagiisipan ko pa."
"Huwag na muna tayong pumasok," aniya sabay ngisi.
"Okay," sagot ko. Napasinghap na lang ako nang bigla siyang lumapit saakin at akmang hahalikan niya na ko nang biglang,
*Tok. Tok. Tok.*
Napasapo siya sakanyang noo habang ako naman ay tumatawa lang habang naglalakad palapit sa may pintuan.
"Hi TitaMommy!"
"Hello baby! Nasaan ang Mommy mo?" tanong ko.
"Kakaalis lang nila Mommy at Daddy, sabi sakin ni Mommy bantayan mo daw muna ako." aniya sabay pasok sa loob nitong unit ko. Walastik talaga tong batang toh oh!
Napailing iling na lang ako habang dahan dahan kong sinasara ang pintuan.
"Who are you?!"
"Ikaw, sino ka bang bata ka ha?!"
Patakbo akong pumunta sa may kusina, anong nangyayari?!
"Hoy! Ba't kayo nagsisigawan ha?!" tanong ko habang sapo sapo ko ang aking dibdib. Hiningal ako dun ah!
"Wifey, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong saakin ni Kyle.
"Wifey?!" tanong naman ni Tristan.
"Oo bakit?! May problema ba dun?!" Kyle asked.
"Titamommy, sino ba yang impakto na yan?! At bakit wala siyang pang itaas na damit?!"
"Aba't-" agad ko namang pinandilatan ng mata si Kyle bago ako tumingin kay Tristan.
"Baby, siya si Tito Kyle," sabi ko sabay tingin kay Kyle. "Kyle, siya naman si Tristan, anak ni Tiffany at Andrew."
"What?! Ikaw yung batang yun?!"
"Oo! Bakit may angal?!" maangas na tanong ni Tristan.
"Sshhhh, ang iingay niyo! Tristan, kumain ka na ba?" I asked.
"Opo," aniya.
----------
Nakaupo kami sa may sofa habang nanonood kami ng palabas, katabi ko si Kyle habang si Tristan naman ay nakatabi sakanya.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...