Kabanata 24
Ex
"Siya ba ang ipinalit mo sakin ha!" sigaw ni Nathan.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Kyle at agad kong hinarap si Nathan.
"Ano naman kung siya nga!" sigaw ko.
"Ano Yvienna! Kakalimutan mo na lang ako ng ganon ganon na lang ha!"
"Matagal na kitang kinalimutan!Simula pa noong pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao!"
"Tara na Yvienna," aya saakin ni Kyle. Tumango ako at akmang aalis na kami ng bigla akong hinila ni Nathan.
Napaharap ako sakanya at nagulat ako ng siniil na naman niya ako ng halik. Sapilitan niyang pinasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.
Tinulak ko siya ng buong lakas, nagulat ako ng biglang pinagsusuntok ni Kyle si Nathan.
"Diba binalaan na kita!" sigaw niya habang patuloy parin sa pagsusuntok kay Nathan.
"Kyle tama na!" sigaw ko.
Napalingon siya saakin, napaigtad ako ng biglang sinapak siya ni Nathan sa mukha.
"Tumigil na nga kayo!" hindi parin sila tumitigil.
"ENGOT BA KAYO?! SABI KO TUMIGIL NA KAYO!" mabuti na lang at nakinig din sila.
Agad akong lumapit kay Kyle, hinawakan ko ang labi niyang pumutok dahil sa pagsuntok sakanya ni Nathan.
"Ayos ka lang?" tanong ko.
Tumango naman siya saakin, sinulyapan ko si Nathan na ngayon ay dumudura ng dugo.
"Huwag na huwag mo na ulit akong lalapitan!" sigaw ko.
Hinila ko si Kyle papunta sa kotse niya. Nang nakarating ay agad ko siyang nilingon.
"May first aid kit ka ba diyan?" tanong ko.
"Oo," sabi niya habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya, pinaupo ko siya sa front seat, hinayaan ko lang na nakabukas ang pintuan.
Iniabot niya saakin ang first aid kit. Kumuha ako ng bulak at betadine. Dahan dahan ko itong dinampi sa kanyang mga sugat.
"Sino siya?" tanong niya habang dinadampian ko ng bulak ang kanyang mukha.
"My ex."
"Mahal mo pa?"
Napatitig ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Hindi na,"
"Pero minahal mo siya?"
"Puppy love lang siguro yun, highschool palang ako nun eh," sagot ko.
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nabitawan ko ang hawak hawak kong bulak dahil sa ginawa niya.
Napatitig ako sa kanyang mga mata, unti unti siyang lumalapit saakin. He closed his eyes and I closed my eyes too.
"E-ehem!" napatalon naman ako dahil sa gulat.
"Ang daming stars noh Kyle, ilan na ba ang nabilang mo?" palusot ko habang nakatingin sa kalangitan.
"368 ikaw?"
"298 palang," sagot ko.
"Huwag ako Sissy, huwag ako!" sigaw ni Tiffany.
Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi ang loka.
"Ba't ka nandito?" tanong ko.
"Ikaw, ba't kayo nandito?" aniya.
--------------
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...