Kabanata 14

129 15 2
                                    

Kabanata 14

Jealous

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at sinimulang maglakad patungo sa banyo.

Nang natapos ay agad akong nagbihis at nagayos. Hinayaan ko lang na nakalugay ang maganda kong buhok matapos ko itong patuyuin.

----------

Kasalukuyan akong nakikinig sa Prof. namin ng biglang may paepal na namang pumasok at dire diretsong umupo sa upuan niya.

Bakas sa mukha ng Prof. namin ang pagpipigil ng galit. Siguro'y ayaw niya lang sirain ang mood niya ngayon kaya pinagpatuloy niya na lang ang pagtuturo saamin.

"I will give you 5 minutes to review." aniya.

Agad namang nagsiangalan ang mga kaklase ko. Wala naman silang magagawa kaya nagreview na lang rin sila.

"Oy sissy ba't hindi ka nagrereview?" tanong ni Tiffany.

"Alam ko na naman yan." sabi ko.

"Tsk yabang!"

Inirapan ko na lang siya. Nagulat ako ng humarap saakin ang hinayupak na nakapwesto sa harapan namin.

"Huyyy Yvienna, peram notes." sabi niya.

"Paano pag ayoko?"

"Pagsisisihan mo." aniya.

I just rolled my eyes at him. Kinuha ko ang notebook ko na nasa table at agad na nilagay sa bag ko. Ano ka sineswerte? Manigas ka diyan!

"Bilis na Yvienna pahiram!" pamimilit niya.

"AYAW KO." sabi ko.

"Itago niyo na ang notes niyo." sabi ng Prof. namin.

Bumaling muli sakin si Kyle bago lumingon sa harapan. Akala mo madadala mo ko sa paganyan ganyan mo? Wag na uy!

Pinamigay na ni Sir ang test paper samin. Nagsimula na kong magsagot, wala pang 10 minuto ay natapos na agad ako.

Nag advanced study ako noh! Kaya alam na alam ko na ang lahat ng ito.
Agad akong nagunat at natigilan na lang ako ng tinawag ako ni Sir.

"Miss Mendoza, tapos ka na ba?" aniya.

Tumango ako at agad na binigay sakanya ang test paper ko.

Nilalaro laro ko ang ballpen ko ng biglang lumingon sakin ang hinayupak na ito.

"Psstt, anong sagot sa number 1?" tanong niya.

Inirapan ko siya at binaling sa ibang direksiyon ang paningin ko.

"Kapag tapos na kayong magsagot, ibigay niyo sakin ng macheckan ko na." sabi ni Sir.

Tumayo naman ang iba kong kaklase para ipasa kay Sir ang mga test papers nila. Napatingin ako sa harapan ko, nakatingin parin saakin ang hinayupak.

Hindi ko siya pinansin at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga kuko ko.

Halos lahat ng estudyante ay nakapagpasa na, maliban na lang sa hinayupak na ito.

"Oh pare," sabi ni Andrew sabay abot ng maliit na papel kay Kyle.

Omg! Nangongodigo ang hinayupak. Isusumbong ko ba o hindi?
Hinayaan ko na lang siya. Baka kase kung ano pang mangyari kapag nagsumbong pa ko.Sa susunod na lang ako magsusumbong pag naulit.

After 15 mins ay sinimulan ng banggitin ni Sir ang mga score namin.

"Gonzales,18/20."

"Mendoza,20/20."

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon