Kabanata 29
Tipsy
Kakatapos lang ng klase namin. Tumayo ako at akmang aalis na ako ng biglang nagsalita si Kyle.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Sa cr, naiihi na ko noh!" sigaw ko bago tumakbo palabas ng silid namin. Ihing ihi na kasi ako.
Hay salamat, nailabas rin. Lumabas na ako ng cr at laking gulat ko ng tumambad saakin si Nico.
"Uyy!" sabi ko.
"Yvienna, para sayo oh!" aniya sabay abot niya saakin ng limang rosas.
Tinanggap ko naman ito. Naaawa ako kay Nico dahil wala siyang mapapala saakin kung ipagpapatuloy niya pa ang panliligaw niya.
"Nico, itigil mo na toh,"
"W-what? May nagawa ba kong mali?" aniya.
"Wala, gusto ko lang na tigilan mo na ang panliligaw mo."
"Si Kyle ba?" tanong niya. Dahan dahan naman akong tumango. Huminga siya ng malamin bago magsalita.
"Okay, pero friends parin tayo diba?" aniya.
"Oo naman!" sabi ko sabay yakap sakanya.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at napapikit ako ng naramdaman kong dumapo ang kanyang malambot na labi saaking noo.
"Sana maging masaya ka ha!" aniya sabay lakad palayo saakin.
---------
Bumalik ako sa aming silid, nagtataka ako dahil wala na si Kyle doon. Asan na yun? Agad kong kinuha ang bag ko at ipinasok ang mga rosas na hawak ko.
Lumabas na ako ng silid at nakakalimang hakbang palang ako ng may natanaw ako na isang pamilyar na lalaki habang kaharap ang isang babae.
Dahan dahan akong lumapit at nagtago sa isang malaking paso na may halaman.
"Mahal kita Kyle," kung hindi ako nagkakamali ay siya si Lucy. Nanlaki ang mga mata ko ng tumingkayad ang babae at agad na hinalikan ang labi ng hinayupak.
Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib dahil hindi manlang niyang nagawang itulak ang babae. Nangingilid ang mga luhang kanina ko pa iniingatang huwag lumandas sa aking magkabilang pisngi.
Agad akong tumakbo palayo sa kanila. Akala ko ba ako lang ang mahal niya?Bakit siya nagpahalik sa ibang babae!
Nakarating na ako sa parking area, agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot ko ito patungo sa restobar ni Divine.
Tuloy tuloy sa pag agos ang aking mga luha,bwiset! Yan ang sinasabi ko eh!Sa una lang sila magaling! Pag nagsawa na, iiwan ka na lang.
Agad kong pinahinto ang sasakyan ko ng nakarating na ako sa tapat ng restobar. Pumasok na ako at tumambad saakin si Divine na ngayon ay nagaalalang nakatingin saakin.
"Oh my gosh! Yvienna anyare?" aniya sabay hila saakin paupo sa sofa.
"I want margarita,"
Agad naman siyang tumango at dali daling umalis para kuhanin ang hinihingi ko.
--------
R18.I'm tipsy, nilagok ko na ang pang huling shot ko at agad nagpaalam kay Divine.
"Kaya mo ba?" aniya.
Tumango naman ako sakanya.
"Ingat ka ha!"
Lumabas na ako ng restobar at dali dali akong sumakay sa sasakyan ko. Laking pasalamat ko na lang ng nakarating ako ng ligtas sa parking area ng condominium na tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...