Kabanata 54

51 5 0
                                    

Kabanata 54

The Grudge

"Wifey!" sigaw niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya pinapansin. Manigas siya diyan!

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng ikinasal si Sissy. Kakababa ko lang  sa aking sasakyan at nagmamadali akong naglakad papasok sa loob ng lift, baka kasi maabutan ako ng hinayupak na yun.

Kaso nga lang mukhang nabigo ako dahil naabutan niya na ko. Napasinghap ako ng bigla niya kong niyakap, shit! Namiss ko tong yakap na toh!

Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. Wala na, talo na ko.

"Sorry na Wifey, ikaw kase eh, sabi mo layuan na kita." aniya.

"Ah! Kasalanan ko pa ngayon ha?!" sigaw ko sabay tulak sakanya palayo saakin.

"Wala naman akong sinasabi na kasalanan mo ah?" aniya.

"Aba't sumasagot ka pa ha!"

"Sabi ko nga tatahimik na ko eh." akmang yayakapin niya ulit ako nang biglang,

*Ting*

Nauna akong lumabas sa loob ng lift at dali dali akong pumasok sa loob ng aking unit. Nang nakapasok ay agad akong umakyat papunta sa aking kwarto upang magbihis.

Kalaunan ay natapos na rin ako. Dahan dahan akong bumaba sa may hagdan nang biglang nakarinig ako ng sunod sunod na katok.

Dali dali akong pumunta palapit sa may pintuan at agad ko itong binuksan. Nanlaki ang aking mga mata ng tumambad sa aking harapan si Kyle na gulo gulo na ang buhok at damit.

"Hoy, sumabak ka ba sa gyera?!" tanong ko.

"Eh kasi tong mga guwardiya mo, ayaw akong pakatukin! Kaya nakipag away ako!" aniya sabay tingin sa aking mga guwardiya.

Napasapo na lang ako sa aking noo.

"Pasok!" sabi ko.

"Bleh! Ano kayo ngayon!" sigaw niya. Akmang susuntukin siya ng aking mga guwardiya nang bigla ko silang inawat.

"Sige saktan niyo siya ng mabangasan ko yang mga pagmumukha niyo!"

Pangisi ngising pumasok si Kyle habang isinasara ko ang pintuan. Sayang saya ka ghorl?!

"Gutom ka na ba hubby?" tanong ko. Nanlaki naman ang kanyang mga mata.

"Bati na tayo?!" aniya.

"Ayaw mo?"

"Gustong gusto ko wifey!" aniya sabay yakap saakin.

"A-aray! Alis nga! Ang baho mo!" sigaw ko.

"Grabe ka naman, mamahalin tong pabango ko uy!"

"Wala akong pake uy!" sabi ko sabay lakad papunta sa may kusina.

Magluluto ulit ako ng sinigang. Yun lang naman kasi ang alam kong lutuin eh. Inihanda ko na ang mga sangkap. Nagsimula na rin akong maghiwa ng bawang at sibuyas nang biglang may naramdaman akong pumulupot sa aking beywang.

"Anong lulutuin mo wifey?"

"Sinigang." sagot ko.

"Ang sweet naman ng mahal ko!"

"Anong sweet ka diyan, akin lang toh noh! Magluto ka ng iyo!"

Bigla naman niyang tinanggal ang kanyang mga kamay na nakapulupot saakin.

Agad naman akong napatingin sakanya, napangisi ako nang nakita ko siyang nakabusangot.

"Joke lang, syempre bibigyan kita!" sabi ko.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon