Kabanata 13
Baby
"Oh Sissy, ubusin mo yan ha! Para hindi ka na magutom." sabi ni Tiffany.
"Sissy naman, ba't ang dami naman niyan." sabi ko habang tinitignan ang mga inorder niya.
Meron kasing cheeseburger, fries,
sundae tsaka coke float. Umupo na si Tiffany. Nagulat ako ng biglang tumabi sakin ang hinayupak."Oh ba't ka nandiyan?" tanong ko.
"Bakit masama?!" sagot niya.
Inirapan ko na lang siya at sinimulan ko ng kumain. Ganon din ang ginawa nila. Nasa kalagitnaan ako ng pagsimsim ng coke float ko ng biglang tumunog ang phone ni Tiffany.
"Hello?..Why po tita?...Kasama ko po." sabi ni Tiffany sa katawagan niya.
Nagulat na lang ako ng biglang tumingin sakin si Tiffany habang may kinakausap sa kabilang linya.
"Ok po Tita bye!" ani Tiffany.
"Sino yun?" tanong ko.
"Mommy mo, tinatanong niya kung kasama daw kita, hindi mo daw kase sinasagot tawag niya."
Napakunot noo na lang ako. Agad kong kinuha ang phone ko sa sling bag ko at tama nga si sissy. 8 missed calls ang nakita ko sa screen ng phone ko.
Bigla tuloy akong kinabahan. Natigil na lang ako ng biglang may tumunog.
"Sissy, tinext ako ni Mama, umuwi na daw ako kase may bisita daw ako."
"Wait sissy, pano yung kinakain mo?" tanong ko.
"Busog na naman ako, pasensiya na Sissy and Kyle ha, una nako bye!" sabay kaway niya samin.
"Wait Sis-"
"Ingat ka bye!" sabi ng hinayupak.
Nakakainis, sabi na nga ba dapat nauna na ko kanina eh! Ba't kase sa lahat ng pwede kong makasama bakit ito pang hinayupak na ito.
Tinignan ko siya ng masama habang ngumunguya ako ng fries. Napatingin naman siya sa gawi ko at sinuklian din ako ng matatalim na tingin.
"Tingin tingin mo diyan?!" pagtataray ko.
"Pake mo?!" sagot niya.
Inirapan ko na lang siya at tinuunan ko na lang ng pansin ang sundae ko na medyo natutunaw na. Nagulat ako ng may biglang sumawsaw na fries sa sundae ko.
Nilingon ko ang hinayupak at kinindatan lang ako ng tukmol na toh. Hindi pa nakuntento, slow motion pa ang pagkagat niya ng fries na sinawsaw niya sa sundae ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang ang hinayupak. Natigilan na lang ako ng biglang bumalik si Tiffany.
"Kyle oh, yung binili mo kanina sa National Bookstore." sabi niya sabay abot ng Brown Paper Bag kay Kyle.
"Salamat." sabi ng hinayupak.
"Sige bye!" paalam ni Tiffany.
"Wait!sabay na ta-"
Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko. Napaka bastos naman ng babaeng toh. Bigla biglang aalis.Patay ka sakin bukas Tiffany!
Sumulyap ako kay Kyle, bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Shet! naalala ko yung nangyari kanina sa Bookstore.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi kaya umiwas na lang ako ng tingin. Tinuunan ko na lang ng pansin ang Coke Float ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsimsim ng Coke Float ko ng biglang lumingon sakin si Kyle. Kunot-noo ko siyang tinignan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi niya sakin.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomansaYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...