Kabanata 59

40 4 0
                                    

Kabanata 59

Hug

"Bye wifey!" sabi niya bago ako halikan sa aking pisngi. Pinagmasdan ko muna siyang umalis bago ko naisipang maligo.

Susundan ko lang naman ang magaling kong nobyo. May date pala sila ni Lucy ngayon ha?!

Lumabas na ko ng banyo at nagsimula na kong ayusin ang aking sarili. Nang natapos ay agad kong kinarga ang alaga kong pusa bago ako lumabas sa aking unit.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng lift habang nakabuntot naman sa akin ang aking mga guwardiya.

"Maam, san po ang punta natin?"

"Ssshhhh, susundan ko lang naman ang magaling kong nobyo kaya wag kayong maingay dyan!"

*Ting*

Lumabas na kami at agad kaming dumiretso sa aming mga sasakyan. Kalaunan ay nakarating narin kami sa labas ng Zamora's corp.

"Hoy! Lapit kayo dito," utos ko sa aking mga guwardiya.

"Bakit po maam?"

"Huwag kayong magpapahalatang sinusundan natin si Kyle ha! Nagkakaintindihan ba tayo?!"

"Ayay Maam!"

"Good,"

Pumasok na ako sa restaurant at agad akong umupo sa may upuan habang nakaupo naman sa ibang bahagi ang aking mga guwardiya.

Maya maya ay dumating na rin ang inaantay ko. Magkasamang pumasok sina Kyle at Lucy. Kinuha ko ang menu at nagkunwari akong umoorder.

Umupo na sina Kyle at Lucy, nagsimula na silang umorder at kalaunan ay nagsimula na silang kumain. Pinagmamasdan ko pa sila nang biglang may epal na kumausap saakin.

"Maam, ano pong order niyo?" inayos ko muna ang aking wayfarer bago ko siya hinarap.

"One iced tea please," I said. Sinadya kong paliitin ang boses ko para hindi niya ko makilala.

Umalis na ang waiter at agad akong bumaling kay Kyle. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Ano kaya yun?

Nanlaki ang aking mga mata ng biglang tumayo si Lucy, akmang aalis na siya nang bigla siyang hinawakan ni Kyle.

Napasinghap ako nang bigla silang nagyakapan, aray ha! Pilit kong pinapasok sa aking isipan na ako lang ang nagiisang babae sa puso ni Kyle.

Pero pinangunahan na ko ng selos ko kaya walang pasubali akong tumayo. Sinadya kong sipain ang upuan na agad kong pinagsisihan. Aray! Huhuhuhu! Ang paa ko!

Hinigpitan ko muna ang pagkakahawak ko sa aking pusa bago ako lumabas sa loob ng restaurant. Arghhh!!!! Bwiset!!!!

"Maam! Ayos lang po ba kayo?" tanong saakin ng mga guwardiya ko.

"Mukha ba kong ayos?!"

"Eh maam, babalik na po ba kayo sa unit niyo?"

"No, sa bahay ako uuwi, let's go!"

"Kila sir po?" pahabol na tanong nila.

"Ay hindi, sa bahay niyo!" pumasok na ako sa aking kotse at agad ko itong pinaharurot. Bwiset! Anong meron?! Bakit sila nagyakapan ha?!

---------

"Hi daddy!" sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi.

"Oh? Ba't nandito ka?"

"Ayaw mo ba Daddy? Sige aalis na ko." akmang aalis na ko nang bigla niya kong pinigilan.

"Joke lang naman anak,"

"Okay!" naglakad na ko papunta sa aming kusina. Naabutan ko si Mommy na naghuhugas ng plato.

"Mommy?! Ba't kayo ang naghuhugas diyan?! Nasan na yung mga yaya natin?!"

"Ay jusmiyo marimar naman anak!"

"Why mommy?"

"Ba't ka ba nanggugulat ha?! Inutusan ko silang mamalengke kaya ako na ang naghuhugas."

Napatango tango na lang ako habang naglalakad palapit sa ref. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita. Wow! Ang daming pagkain!

Kinuha ko ang limang saging, bigla namang kuminang ang mga mata ko nang nakita ko ang isang napakasarap na nutella! Kyahhh!!!

"Mommy, I want milk,"

"Okay, pagtitimpla kita."

Umupo ako at agad kong sinawsaw ang saging sa nutella. Mmmmm ang sarap sarap!

"Baby oh," aniya sabay abot sakin ng isang basong gatas.

"Thanks Mommy!"

"Teka, ayos ka na ba anak? Nabalitaan ko yung nangyari sayo."

"Ayos na po ako Mommy, madami na naman akong mga guwardiya eh."

"Eh, ba't ka nga pala biglang napadalaw dito?"

"Wala lang, gusto ko lang kumain."

"Yung totoo, ba't ka nandito?"

Uminom muna ako ng gatas bago ko siya hinarap.

"Mommy, si Kyle kasi eh!"

"Oh?"

"May kayakap na ibang babae huhuhu!" sabi ko sabay hagulgol sa pagiyak.

"Ay jusko kang bata ka! Tumahan ka na nga!"

"No Mommy!!! Huhuhuhu!"

"Hay nakong bata ka, tinanong mo ba siya kung bakit niya yun nagawa?"

Agad naman akong umiling.

"Oh, ba't hindi mo tinanong?"

"Mommy, kitang kita ng dalawa kong mga mata ang kataksilan niya!"

"Mas mabuti pang magusap na lang muna kayong dalawa,"

"No Mommy! Huhuhu! I can't!"

"Wag mo kong dramahan diyan ha, isipin niyo ang magiging anak niyo, teka nga, lalake ba yan or babae?"

"Kambal po Mommy!"

"What?!"

"Anong kaguluhan ang meron diyan?" singit ni Daddy.

"Kambal ang magiging apo natin!" masayang sabi ni Mommy.

"Totoo?! Yes!" bakas sa mga mata nila ang sayang nararamdaman nila nang biglang dumaan sa aking isipan na nagyakapan sina Kyle at Lucy!!!!

"Wahhh!!! Huhuhuhu!"

"Baby? Ba't ka umiiyak? Hindi ka ba masaya na magkaka anak ka na?!" nagaalalang tanong ni Daddy.

Agad naman akong umiling na pinagsisihan ko rin. Mali ang iniisip ni Daddy!

"Sinasabi ko na nga ba! Nasan na ba yang Kyle na yan ha!"

"No Daddy! Mali ang iniisip mo!"

"Wag mo siyang ipagtanggol! Akong bahala sakanya!"

"No Daddy, mahal ko ang aking magiging mga anak okay? At mahal ko rin po si Kyle."

"Eh bat ka umiiyak?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya na nahuli ko si Kyle na may kayakap na ibang babae. Pero napagpasyahan ko na wag na lang, baka mas lumala pa ang problema.

"Akyat lang po ako sa kwarto ko." paalam ko sa kanila bago ako umakyat.

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto at agad akong humilata.

"Meow,"

Napatingin ako sa alaga kong pusa na kanina pa pala nakabuntot saakin. Napangiti ako nang bigla siyang dumikit saakin.

*Kring*

Napatingin ako sa phone ko, tumatawag si Kyle. Hindi ko ito pinansin, paulit ulit siyang tumatawag saakin kaya wala akong nagawa kundi patayin na lang tong phone ko.

Manigas siya diyan! Hmmpp!!

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon