Kabanata 56
Motorcycle
Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng Mall.
"Wifey, nag text sakin si Andrew."
"Oh tapos?"
"Kung pwede daw na ihatid na natin si Tristan sa Penthouse niya."
"Saan naman yun?" I asked.
"Diyan lang, tara na!" aniya.
Kalaunan ay nakarating na rin kami sa penthouse ni Andrew.
"Daddddyyyyy!!!" sigaw ni Tristan. Agad akong napatakip sa magkabila kong tainga. Shizz! Ang ingay pala ng batang toh, manang mana sa nanay niya!
"Ha?! Ano?! Baket?! Saan?!" sigaw ni Andrew habang tumatakbo palapit sakanyang anak.
"Hahahaha!" tawa naman ng hinayupak.
"Anak, huwag ka namang sisigaw ng ganon, kinabahan ako eh!"
---------
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa loob ng Zamora's corp. Hindi alam ni Kyle na pupunta ako ngayon dito, balak ko kasi siyang surpresahin, ipapatikim ko sakanya ang pinaghirapan kong brownies.
"Maam, ako na po ang magdadala niyan," sabi ng isa sa aking mga guwardiya.
"No need, ang gaan gaan lang nito oh!" sabi ko sabay taas sa hawak hawak kong paper bag na may lamang baunan.
Pumasok na kami sa loob ng lift.
*Ting*
"Diyan lang kayo ha!" utos ko sakanila. Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Kyle at nagulat ako sa tumambad saakin.
"What are you doing here?!" tanong ko kay Lucy.
"Ikaw, ano bang ginagawa mo dito?!" tanong niya saakin.
"Binibisita ang mahal ko, hindi ba halata?!"
Inirapan ko muna siya bago ako naglakad palapit kay Kyle na nakaupo sa kanyang swivel chair. Akmang magsasalita na sana ako nang bigla akong inunahan ng isang higad.
"Kyle oh, para sayo, masarap yan!" aniya sabay bigay kay Kyle ng isang baunan.
"Allergic siya diyan," sabi ko.
"What?! Hindi naman ah!" Lucy said.
"Ay mali pala, sayo pala siya allergic!"
"How dare you!"
"Wag mo kong ma how dare you how dare you diyan ah! Labas!" sigaw ko.
"A-ano?! Ba't moko pinapaalis ha?!"
"Kase isa kang higad! Labas! Bilis! Nangangati na ko oh!" sigaw ko.
"K-kyle? P-pinapalabas niya ko oh!"
"Maaari ka ng umalis," sabi ni Kyle sabay baling saakin. "Anong dala mo wifey?"
"Arghhh!" sigaw ng bruha.
"Lucy, wait." Kyle said.
"H-ha?"
"Salamat na lang pero ayoko." aniya sabay abot ng baunan na ibinigay ng bruha kaganina.
"Ingat ka!" sigaw ko. Natawa naman ako nang padabog na isinara ni Lucy ang pintuan.
"Ano yan Wifey?"
"Brownies, ako ang gumawa niyan!" sabi ko sabay bigay sakanya ng dala dala ko.
"Wifey, may tanong ako."
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...