Kabanata 45
Threatened
"Maam, ilang minuto na lang po ay magsisimula na ang photoshoot niyo." sabi ng p.a ko.
"Okay," sagot ko. Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo, nandito ako ngayon sa resort namin.
Pinagmamasdan ko sa salamin ang aking magandang katawan. I wore halter cut out bandage plain black bikini swimsuit. Pinagmasdan ko rin ang aking buhok na kakakulot lang kaganina.
Nang nakuntento ay agad akong lumabas. Ang swimming pool ng resort na ito ang gagawin naming background.
Natatanaw ko na ang aking p.a at si Nathan na nandoon na sa lugar kung saan kami kukuhanan ng litrato. Taas noo akong naglalakad at kapansin pansin na halos lahat ng taong aking nadaraanan ay nakatingin saakin. Well, ganyan talaga kapag maganda.
Bigla namang may impakto akong nakita. Ang sama ng kanyang tingin habang pinapasadahan ako ng tingin. Problema nito?!
"Ba't ganyan ang suot mo?!" tanong ni Kyle.
Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad nang bigla niya kong hinawakan saaking palapulsuhan at walang sabi sabi akong hinila palapit sakanya.
"Ano ba?!"
"Ayokong may nakakakita sayo ng ganyan ang suot mo!"
"Ano bang pakeelam mo?! Buhay ko toh!"
Bigla namang may sumulpot sa kanyang tabi.
"Kyle, tawag ka na ni Tita Red." sabi ni Cassandra, ang bruha. Pilit kong inalis ang kamay ni Kyle na nakahawak saakin at walang pasubaling lumakad palayo sakanila. Arghhh! Mga haliparot! Mag sama sama sila!
----------
"Isa pa Yvienna, fierce!" sigaw ng baklang kumukuha saakin ng litrato.
"Pak! Ganda talaga!" sigaw ni Divine na nasa tabi ng kumukuha saakin ng litrato.
"Oh, Nathan tumabi ka sakanya!"
Tumango naman siya at agad na tumabi saakin.
"Gandahan niyo ha!"
Nagulat ako ng biglang siyang humiga sa aking mga hita. Napabuntong hininga na lang ako ng bigla niya kong kinindatan. Loko talaga!
"Wow! Amazing! Pak awra!"
Nakita ng aking mga mata na nakamasid saamin si Kyle. Masama ang kanyang tingin saamin. Ano bang problema nito?! Inirapan ko siya ng nakita kong nilapitan na naman siya ni Cassandra.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan nang bigla kong hinawakan ang dibdib ni Nathan.
"Napakagaling Yvienna! Pak awra!" sigaw ng kumukuha saamin ng litrato.
Tumingin ulit ako sa gawi nila Kyle at Cassandra. Asan na yun?
"Okay na! Magsitayo na kayo diyan!"
Tumayo na ako habang pinapagpagan ang aking mga hita. Lumakad ako palapit kay Divine, naramdaman niya ata ang aking presensiya kaya agad siyang lumingon saakin.
"Besh, may kekwento ako sayo," bulong ko.
---------
Naka bathrobe ako habang kumakain kami ni Divine dito sa loob ng isang kwarto.
"Besh, kekwento ko na sayo," agad naman siyang napatingin saakin.
"Ano yung chika mo besh?"aniya.
"Ahmm, gusto mo na bang maging ninang?"
"Ahm dipende, kung anak mo at anak ni Tiffany, bet ko, Why?"
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...