Kabanata 20

90 11 0
                                    

Kabanata 20

Am I inlove?

Ang bilis ng panahon, Sabado na kaagad. Bumangon na ko sa pagkakahiga ko dito sa kama ko at nagsimula na kong maglakad papasok sa banyo para maligo.

Nang natapos ay agad akong nagbihis. I wore Black Racerback Tank and Black Dolphin Shorts. Tinali ko rin ang buhok ko ng pagkataas taas na halos mabanat na ang anit ko sa sobrag higpit.

Nag suot na rin ako ng Sneakers. Ayan ready na akong mag jogging. I went downstairs and I saw my mother sitting at the couch habang nanonood sa tv.

"Good morning Mommy!" agad naman siyang napalingon saakin.

"Hi baby! Mag jojogging ka ba?" aniya.

"Yes Mommy! I gotta go bye!"

----------

Huminto muna ako sa pag jojogging dahil hingal na hingal na ko ng biglang may naramdaman ako sa binti ko.

Malamig, malambot, malagkit. Iww ano ba toh?! Tinignan ko ang binti ko,

"Ahhhh!" sigaw ko. Nagpanic din ata itong asong toh kaya tinahulan ako ng tinahulan.

Tumakbo ako ng napakabilis, sumulyap ako sa likuran ko at nakita kong hinahabol ako ng asong toh. Shit! Baka kagatin ako nito, kawawa naman ang makinis kong binti pag nakagat ako nito.

"Ahhh! Help! Help!" sigaw ko habang tumatakbo. Napapagod na ko pero kailangan kong tumakbo ng tumakbo. Para sa ikabubuti ng legs ko huhuhu!

Habang tumatakbo ako ay may natanaw ako na isang bulto ng lalaki. Pamilyar ito saakin. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad akong sumampa.

Pinulupot ko ang dalawa kong braso sa leeg niya habang nakapulupot rin ang dalawa kong binti sa bewang niya.

"Tulungan moko Kyle! Kakagatin ako ng halimaw na yan!"

Napaigtad ako ng naramdaman ko ang kanyang dalawang kamay sa likuran ko. Binaon ko na lang ang mukha ko sa leeg niya.

"Chow-chow sit!" mariin niyang bigkas.

Kunot noo ko naman siyang tinignan. So aso niya toh?! Tumingin ako sa ibaba at nakita kong nakaupo na ang aso.

Pinasadahan ko si Kyle ng tingin at nag init ang magkabila kong pisngi ng napagtanto ko ang posisyon namin.

Agad akong bumaba sa pagkakasampa ko sakanya. Nagulat ako ng lumapit saakin yung aso.Agad akong pumunta at nagtago sa likuran ni Kyle.

"Ahhh! Ilayo mo sakin yan! Mommy!" sigaw ko.

What the heck! Ba't ko sinigaw si Mommy. Narinig ko naman ang pagtawa ng hinayupak pero hindi ko yun pinansin.

Nakatuon ang buong atensiyon ko sa asong lumalapit saakin.

"Ilayo mo sakin yan! Kyle!" agad niya namang binuhat ang aso at pinaghahahalikan pa ito. Yuck!

"Ba't ka ba nandito ha? Tsaka bakit pinapagala mo yang aso mo! Bawal yan ah!" sigaw ko.

"Chill! Nag jojogging lang naman ako eh kaso nakawala si Chow-chow sa pagkakatali, ito oh!" sabi niya sabay pakita saakin ng tali ni Chow-chow.

"Kahit na! Paano kung nakagat ako niyan?! Edi kawawa naman ang makinis kong legs!"

"Wag kang OA hindi naman toh mangangagat!" aniya.

"May aso bang hindi na ngangagat?!" sigaw ko.

"Oo, Ikaw!"

"Aba't-" Sasapakin ko na sana siya ng bigla akong tinahulan ng lintek na asong toh.

"Ikaw na aso ka, Manahimik ka diyan!" pinagsisihan ko ang ginawa ko dahil tumalon ang aso sa pagkakahawak ni Kyle.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon