Kabanata 22

75 10 0
                                    

Kabanata 22

Knife

Kakatapos lang naming kumain, naiilang ako dahil kanina pa siya nakatitig saakin kaya hindi na ko nakatiis pa at kaagad ko siyang tinitigan ng masama.

"What?" patay malisya niyang tanong saakin.

"Alam kong maganda ako kaya wag mo na kong titigan!" sigaw ko.

"Yvienna, pwede bang manligaw?" aniya.

"Pagiisipan ko,"

"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita." mariin niyang pagkakasabi.

"Nagtanong ka pa!" natigilan na lang kami ng biglang nakarinig kami ng sigawan.

Napatingin ako sa mga babaeng nagsisigawan hindi kalayuan sa kinakaupuan namin.

"Pinapainit mo ang matres ko! Sinabi ko na ngang tanggal ka na diba!" sigaw ng pamilyar na boses. Tinitigan ko siya ng maiigi at napagtanto kong si Divine yun.

Kaya pala boses bakla,napaawang ang bibig ko ng biglang sinampal ng babae si Divine. Omg!

"Kilala mo?" tanong ni Kyle.

"Oo, siya yung nagbayad sa Milk Shake natin kanina!" sagot ko.

Sinulyapan ko ulit si Divine at nagulat ako ng bigla siyang sinabunutan ng babae, ang iksi na nga ng buhok eh nagawa pang sabunutan tsk. tsk. Napilitan akong tumayo at puntahan si Divine para tulungan siya.

"Yvienna wait!" hindi ko pinansin si Kyle at dire diretso lang akong naglakad. Akmang sasampalin ulit ng babae si Divine ng bigla ko itong pinigilan.

Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa palapulsuhan niya at nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Ouch! Sino ka ba!" sigaw ng babae.

Hindi ko siya pinansin, tinulak ko siya at muntikan na siyang mapaupo sa sahig.

"Ok ka lang?" tanong ko kay Divine.

"Yes," aniya.

Nagulat ako ng bigla akong sinampal ng babae, napaawang ang labi ko ng tinignan ko siya. Nakangisi siya saakin.

Sinampal niya ko? Hwes humanda siya.

"Yan ang bagay sa mga pakeelamerang kagaya mo!" sigaw niya.

"Ah ganon!" walang pasubaling sinampal ko siya sa magkabilang pisngi.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya habang sapo sapo ang magkabilang pisngi.

"Don't worry, mas makapal yang kalyo mo sa paa!" sabay turo ko sa paanan niya.

"Walang hiya ka!"

"Talk to my hand," sabay pakita ko sakanya ng kamay ko.

Akmang sasampalin niya ko ng bigla ko siyang inunahan.

Bigla namang bumulong saakin si Divine.

"Ingat ka, marunong yan mag martial arts." aniya. Ngumisi naman ako, sa wakas magagamit ko rin ang tinuro saakin ng pinsan ko noong bata palang ako.

Marunong din ako mag martial arts noh! Nagulat ako ng bigla siyang kumuha sa bag niya ng isang matalim na kutsilyo.

Akmang isasaksak niya yun saakin ng bigla kong hinawakan at pinilipit ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo, nabitawan niya ang patalim at agad ko siyang binalibag gamit ang isang kamay.

Binitawan ko siya at agad kong pinatunog ang mga daliri ko.

"Tama na siguro yan! Baka makasuhan pa ko ng Animal Abuse!"

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon