Kabanata 34
Surprise
Ilang buwan na kaming mag karelasyon ni Kyle. Alam na rin nila Tiffany at ang mga tropa ni Kyle na may relasyon kami.
Si Tiffany at Andrew naman ay ilang buwan na ring magkarelasyon. Akalain mo yun, ang hate na hate ni Tiffany ay naging nobyo niya.
Kasalukuyan kaming nandirito sa bakuran nila Kyle, Nagpahanda kasi siya dahil monthsary namin ngayon, ang sweet niya talaga.
"Ang sarap naman ng pagkain!" sigaw ni Tiffany.
"Wait lang guys ha, hanapin ko lang si Kyle," paalam ko sakanila.
Bigla kasi siyang umalis, tumayo na ko at nagsimula na kong maglakad papasok sa bahay ng hinayupak.
Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko, si Kyle at Cassandra ay magkayakap?! Umiling iling na lang ako, wala naman yang malisya diba?
Tinatatak ko sa aking isipan ang sinabi saakin ni Kyle. Ako lang ang nagiisang babaeng mamahalin niya, ako lang. Kaya wala dapat akong ikabahala. Lumakad na ko palayo sakanila at dali dali akong bumalik sa mga kaibigan namin.
"Ayos ka lang?" tanong saakin ni Sissy.
"O-oo naman,"
"Namumutla ka Miss Maldita," sabi ni Justine.
Umiling lang ako at agad kong ininom ang isang basong orange juice na nasa harapan ko.
Bukas na nga pala ang kaarawan ko, gaganapin ang party sa resort namin. Imbitado ang mga kaibigan namin, isa na roon si Divine.
Natigilan na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha habang humahakbang palayo sa mga kaibigan ko.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hi, Yvienna! Ano nakapag desisyon ka na ba? Napa aga ang alis ko eh, lilipad na ko sa lunes patungong France," Divine said.
"Ha? Makakapunta ka naman sa party ko diba?"
"Oo naman, pero ano na? Payag ka na maging model ko?"
"Huwag na siguro, hindi ko kayang iwanan si Kyle,"
"Yieee! Ang sweet niyo naman, sige na at mamimili pa ko ng regalo ko sayo para bukas!" aniya bago ibaba ang tawag.
Humakbang na ako pabalik sa mga kaibigan ko at laking gulat ko ng nandoon na si Kyle. Agad akong tumabi sakanya at bigla naman niya kong inakbayan.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Diyan lang,"
-----------
Ngayong araw na ang kaarawan ko, nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin, pinagmamasdan ko kung gaano ako kaganda ngayon.
Alas singko ng hapon ang simula ng party ko, I wore red satin off the shoulder plunge v floor length gown. Habang naka messy bun naman ang buhok ko.
Kinuha ko ang aking phone para tignan kung may reply ba si Kyle sa mga texts ko sakanya kanina. Wala parin? Ang dami ko ng messages sakanya pero kahit isa ay wala siyang reply?
"Maam, huwag po kayong bumusangot baka pumangit kayo,"
"Shut up!" I said. Natahimik naman siya.
Sinubukan kong tawagan si Kyle pero hindi niya ito sinasagot. Anyare dun?
"Maam, limang minuto na lang magsisimula na po ang party niyo,"
Ilang minuto na ang nakalipas,wala parin akong natatanggap na reply o tawag manlang galing kay Kyle. Anyare na ba dun?
Napilitan na lang akong lumabas sa silid na ito, simula na kasi ng party ko.
---------
Alas siyete na ng gabi, bakit wala parin si Kyle? Natigilan ako ng may tumawag saakin.
"Happy birthday sissy!"
"Thank you!"
"Anyare sayo? Wala pa ba ang sweet lover mo?" binatukan ko naman si Tiffany.
"Aray ko ha!" sigaw niya.
Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako, hindi na kasi ako nakatiis, pupuntahan ko na si Kyle sa kanyang condo unit.
Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis ko itong pinaharurot sa daan. Kalaunan ay nakarating na ko sa condominium na tinutuluyan namin. Bumaba na ako at nagsimula na kong sumakay sa lift.
Pinindot ko ang ika limang numero,
*Ting*
Lumabas na ako at agad pumunta sa harapan ng unit ni Kyle. Pinihit ko ang doorknob,hindi naka lock?
Pumasok na ako at laking gulat ko ng may nakita akong blouse na pang babae sa sahig? Sinipa ko ito at dire diretso akong lumakad papasok.
Kusang tumulo ang mga luha ko ng nakita ng mga mata kong walang damit na pangitaas si Kyle habang hinahalikan siya ni Cassandra na ngayon ay naka bra at pants na lang.
Shit! Akala ko ba ako lang ang mahal niya?! Naalala ko na naman ang ginawa noon saakin ni Nathan. Ang pinagkaiba lang ay nagawa ko noong sabunutan at sugurin ang babae niya pero ngayon, bakit parang nawalan ako ng lakas na sugurin sila?
"Grabe, ang ganda ng regalo mo Baby,nasurpresa talaga ako," sabi ko bago walang pasubaling nilisan ang unit niya.
"Shit! Baby wait, mali ang iniisip mo!" sigaw niya habang hinahabol niya ko.
Napaigtad ako ng hinawakan niya ang kaliwang braso ko, agad ko siyang hinarap at walang pasubaling pinalipad ang kanang kamay ko papunta sa kanyang pisngi.
*Pak*
"Anong akala mo sakin tanga? Ano?!Sabi mo ako lang ang mahal mo! Bakit mo ko nagawang saktan ha!" sigaw ko sabay sampal ulit sakanya.
"Mali ang iniisip mo Baby,"
"Huwag mo kong tawaging baby,dahil simula sa araw na ito,wala ng tayo!" sigaw ko.
Agad akong umalis at iniwan ko lang siyang tulala sa kanyang kinakatayuan. Sumakay na ako sa lift habang kinakalikot ang phone ko.
"Hello Yvienna?" sagot ni Divine.
"Pumapayag na ko sa inaalok mo, antayin mo ko sa labas ng resort namin, kukuha lang ako ng mga damit sa bahay namin,"
"Ha? Wait asan ka ba? Hindi pa tapos ang party mo ha?" aniya.
"Sundin mo na lang ako, dadalhin ko nga pala ang alaga kong pusa ha, sasabay na rin ako sa flight mo, tatawagan ko lang si Daddy para mapabilis ang pagkuha ko ng mga papeles at passport ko." sabi ko sabay patay sa tawag.
Akala ko puro saya lang ang mayroon kapag umiibig ka. Nagkamali pala ako, pinag mukha niya kong tanga!Napakasakit ng ginawa niya saakin.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...