Kabanata 6

158 19 2
                                    

Kabanata 6

Five Types of Pronouns

"Senyorita pasensya na po at ngayon lang ako nakadating. Nasiraan po kasi ako kanina." ani Mang Betong. "Ayos lang po Mang Betong." sabi ko at agad pumasok sa backseat ng aming sasakyan.

-------

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking malambot na kama. Hindi ko makalimutan ang kahihiyang ginawa ko kanina.

Engot mo kase self eh ba't kase hindi mo muna tinignan kung naka off yung flash ng camera mo bago mo siya kinuhanan ng litrato.

Nasa kalagitnaan ako ng pagaalala sa mga nangyari kanina ng biglang tumunog ang cp ko.

*Phone Rings*

Agad kong kinuha ang cp ko at sinagot ko agad ang tawag.

"Hello?"

"Hi sissy!!!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Tiffany. Grabe talagang babaeng toh napaka lakas ng bunganga.

"Wag ka ngang sumigaw! Bat ka ba tumawag?"

"Well sissy. Kaya ako napatawag kase trip ko lang!"

Aba't pinaglololoko ba ako nito?mambubulabog tapos sasabihin trip lang?

"Hay nako sissy babush na at ako'y matutulog na." sabi ko.

At agad na pinatay ang tawag. Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas onse na pala.

Humiga na ko at sinimulang ipikit ang aking mga mata. Good night self.

---------

Nandito ako sa tapat ng University na pinapasukan ko. Kakaalis lang ni Mang Betong.

Dahil maiinipin akong tao, hindi ko na inantay si Sissy. Napakakupad talaga ng babaitang yun.

Nagsimula na kong humakbang. Paakyat na ko sa hagdanan papunta sa aking room ng biglang may humarang sa dinaraanan ko.

Agad kong tinignan kung sino ang mga ito at kung mamalasin ka ba naman ay nandito sa harapan ko ang mga bruha.

Mukhang hindi naka get over kahapon baka gusto pa nang isang magasawang sampal.

"Tabi nga!" sabi ng bruha.

Akmang itutulak niya ko ng bigla akong umiwas. Sa kasamaang palad nalaglag ito sa hagdanan.

"Ouch! How dare you!"

"Kasalanan ko bang aanga-anga ka?" sabi ko.

Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Akmang tatayo ito ng biglang bumagsak ulit ito.

Agad naman siyang tinulungan ng mga kampon niya.

"Tandaan mo, hindi pa tayo tapos!" pagbabanta nito bago tuluyang umalis kasama ang mga alagad nito.

Napailing-iling na lang ako at nagsimulang umakyat patungo sa room ko.

Nasa tapat nako ng room ko at agad akong pumasok. Dumiretso ako sa hulihan at agad na umupo.

Maaga pa naman kaya nilabas ko muna ang cp ko at agad na tinext si Tiffany.

To:Sissy

Hoy babaita asan ka na?

Wala pang isang minuto ay nagreply
agad ito.

From:Sissy

Sorry Sissy. Masama pakiramdam ko hindi muna ako makakapasok. Balitaan mo na lang ako sa lessons ha.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon