Kabanata 44

66 5 0
                                    

Kabanata 44

Pregnant

Iminulat ko ang aking mga mata, nasaan ako? Inilibot ko ang aking paningin habang dahan dahan akong bumabangon mula sa aking  pagkakahiga.

"Goodmorning," sabi ng isang doktora? Nasa ospital ako?

"A-ano pong nangyari saakin?"

"Nahimatay ka raw sabi ng binatang nagdala sayo,"

"P-po? Ayos lang po ba ako?"

"Maayos na ang lagay mo, huwag kang magpapagod ng husto at kumain ka rin ng mga gulay at prutas."

"Ano po bang sakit ko?" bigla naman siyang ngumiti.

"Wala kang sakit, buntis ka." aniya.

Parang tumigil ang aking mundo dahil sa narinig ko. Buntis ako?! Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Saya, gulat at takot.

Pero bigla akong kinabahan ng may napagtanto ako. Iisang tao lang ang ama ng dinadala ko. At walang iba kundi ang hinayupak na nagnakaw ng victory liner ko! Arghhh! Bwiset na Kyle!

Natigil na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Doktora.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Kyle.

"Ano sa tingin mo?!" sagot ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumapit saakin.

"Sorry Yvienna, nadala lang ako ng selos kahapon kaya ko yun nagawa tsaka hindi ko naman ginustong makipagsayaw sa mga babaeng yun eh! At mas lalong hindi ko gusto na bigla akong hinalikan ng babaeng hindi ko kilala."

"So?!"

"Wifey naman,"

"Alis nga diyan!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung ba't ba ko naiinis sakanya. Oo aaminin ko, galit ako sakanya kahapon pero iba yung ngayon eh. Pinapatawad ko na siya kaso ba't parin ako naiinis?!

Wala muna akong balak sabihin sakanya na buntis ako. Hahanap muna ako ng magandang tyempo.

"Kumain ka na oh," aniya, akmang isusubo niya na saakin ang kutsarang may laman ng pagkain ng bigla akong umiwas.

"May kamay ako!" sabi ko sabay kuha sakanya ng kutsara at baunan.

Nagsimula na akong kumain at naiirita ako dahil panay ang tingin niya saakin.

"Ano ba! Kapag ako nainis, susundutin ko yang mga mata mo!"

"Edi sundutin mo,"

Magsasalita pa sana ako ng biglang may pumasok.

"Anak okay ka lang ba?" nagaalalang tanong saakin ni Mommy.

"Opo, ayos lang ako."

"Sure ka ba anak?" tanong naman ni Daddy.

"Yes po, ang layo layo lang naman sa bituka eh!" bigla naman akong binatukan ni Mommy.

"Mommy naman eh!"

"Anong malayo sa bituka!"

"Tama na yan Hon," awat ni Daddy.

Napaigtad ako nang biglang may sumigaw.

"Titamommy!" sigaw ni Tristan habang tumatakbo palapit saakin.

Nakasunod naman sakanya sina Tiffany at Andrew. Hmmm? Parang may kakaiba ah!

"Sissy! Ayos ka lang ba?!" sigaw ni Tiffany habang lumalapit saakin.

"Ang oOA niyo! Ba't ba kayo napadalaw dito?"

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon