Kabanata 15
Future Boyfriend
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Nicolas sa loob ng Mall. Kakatapos ko lang pumunta sa LTO, next week ay maari ko na daw makuha ang lisensya ko.
Tinext ko na din kanina si Mang Betong na huwag na akong sunduin. Huminto kami sa tapat ng Korean restaurant.
"Gusto mo diyan?" tanong niya.
"Sige, basta libre mo ha!"
Tumawa naman siya at agad kaming pumasok sa loob. Nakahanap agad kami ng pwesto kaya sinimulan na naming umupo.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Ahmm I want Sangyeopsal,"
"Mukhang nakakain ka na dito ah!Alam na alam eh!" aniya.
Tumawa naman ako,tumayo na siya at umorder. Habang umoorder siya ay kinuha ko ang phone ko sa bag at agad kong tinignan ang IG ko. Nagscroll scroll ako ng biglang may lumabas na notification.
KylZamora started following you.
I click his user name, hindi naka private ang acc niya. Tinignan ko ang followers niya 987K samantalang ako 760K lang. Tinignan ko din kung ilan ang finafollow niya, 500 lang.
Natigil ako ng biglang dumating si Nicolas dala ang mga inorder niya.
Una niyang nilapag ang Ice tea bago ang sangyeopsal. Agad naman siyang umupo at bumaling sakin.Inayos ko ang pagkain at agad ko itong kinuhanan ng litrato.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong niya.
"Pang story sa IG." sagot ko.
Napailing-iling naman siya.
"Anong username mo sa IG." tanong ko.
"Nico Castro." sabi niya.
Tumango ako at gaya nga ng sinabi ko ay agad kong nilagay sa IG story ko ang pic at nagcaption ng sangyeopsal for my dinner! Thank you Nico! Tinag ko si Nico sa story ko.
Binaba ko na ang phone ko at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng biglang umilaw ang phone ko.
Agad ko itong kinuha at nakita kong may notification ako sa IG ko. Agad ko itong tinignan at nakita kong nagreply si Kyle sa Story ko.
KylZamora:
First time?
Agad naman akong nagreply.
Ako:
Pake mo?!
Problema ba nito? Agad naman siyang nagreply.
KylZamora:
Tsk! bigyan pa kita ng isang dosena niyan eh!
Napabuntong hininga na lang ako bago siya replyan.
Ako:
Sinong nagtatanong?
KylZamora:
Ha?
Ako:
Hatdog!
KylZamora:
Hattitude ka teh?
Hoy kasama mo ba si Nicolas ha?!
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...