Kabanata 41

75 6 0
                                    

Kabanata 41

I'm not getting married

Kakababa ko lang saaking sasakyan, lumapit ako sa kanilang gate. Bakit hindi naka lock?

Nagkibit balikat na lang ako habang humahakbang papasok, nang nakapasok ay agad akong kumatok sa kanilang pintuan.

*Tok Tok Tok*

Bumukas naman ito agad at tumambad saakin si Tristan na naka top knot ang buhok? Kahawig na kahawig niya na tuloy si Andrew na naka top knot din kahapon.

"Hi Titamommy! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ahmm, nandiyan ba yung Mommy mo?" tanong ko. Ano kayang nangyari sakanila kahapon ni Andrew? Shit!naalala ko na naman si Kyle!

"Natutulog sa kwarto niya, pasok ka titamommy may sasabihin ako sayo," aniya.

Pumasok na ako at agad umupo sa kanilang sofa, nasaan yung mga katulong nila? Pati sila Tita at Tito na magulang ni Sissy asaan sila?

"Tristan, nasaan sina Lola at Lolo mo?Pati mga katulong niyo?"

"Sila Lola at Lolo nasa Cavite, yung mga katulong naman namin pinagbakasyon ko." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinagbakasyon niya?

"Bakit mo naman ginawa yun?!"

"Eh kasi inaantay nila si Mommy kahapon para magpaalam na magbabakasyon muna kaso hindi dumating kaya ako na ang pumayag sa hiling nila." he said calmly.Pambihirang batang toh oh!

"Ano namang sinabi nila?"

"Ayaw nila sa una pero noong sinabi kong ako na ang bahala na magsabi kay Mommy ay tsaka na sila umalis."

Tumabi naman siya saakin habang hinihimas himas ang kanyang buhok.

"Ba't ganyan ang ayos ng buhok mo?" taka kong tanong.

"Ginaya ko lang yung mamang naghatid kay Mommy kanina, gusto mo ng juice titamommy?" aniya.

Tumango na lang ako, tumayo na siya para bigyan ako ng juice. Sino kayang naghatid kay Sissy,si Andrew kaya?

"Titamommy oh," aniya. Tinanggap ko naman ito at dahan dahan akong sumimsim dito.

"At sino naman ang naghatid sa Mommy mo kanina?"

"Hindi ko kilala eh, pero gwapo siya, matangkad, tapos parehas kami ng mga mata, sabi niya siya daw si Andrew."

Naibuga ko naman ang iniinom ko, syete! Nagkita na ang mag ama?! Alam na kaya ni Andrew na anak niya toh?!

"Are you okay titamommy?" aniya.

"A-ano naman ang iba niya pang sinabi sayo?" taka kong tanong.

"Ahmm, tinanong niya kung kaano ano ko si Mommy,"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko siya ang Mommy ko, alam mo ba titamommy ang gaan ng loob ko sakanya, kilala mo ba kung sino ang Daddy ko?"

Bigla akong kinabahan sa tanong niya, syete!

"H-hindi ko kilala eh," pagsisinungaling ko. Sorry baby!

"Ah, alam mo ba Titamommy, tinanong niya kung sino ang Daddy ko."

"Ano namang sabi mo?"

"Sabi ko secret," aniya sabay tawa.

-----------

Taas noo akong naglalakad papasok sa Mendoza's corp. habang karga karga ko ang alaga kong pusa na si Medusa.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon