Kabanata 48
Gun shot
Sa wakas at natapos na rin ang aking press conference. Kasalukuyan akong nagaantay sa aking driver. Karga karga ko ang aking alagang pusa habang palinga linga ako saaking paligid.
Nasaan na ba yung p.a ko? Bigla biglang nawawala? Napaigtad ako nang biglang nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril?!
Napatingin ako doon at nakita ko sa malayo ang isang lalaking balot na balot ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang itinutok saakin ang hawak hawak niyang baril. Shit!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tatakbo ba ko? Sisigaw? I was so shocked kaya hindi ko manlang nagawang gumalaw nang biglang may humila saakin mula sa aking likuran.
*Bang Bang*
Nakarinig ako ng sigawan, bigla naman akong niyakap ng humila saakin kanina.
"Gusto mo bang mamatay ha?!"
Napatingin ako sa aking likuran. Kyle?!
"Ayos ka lang ba wifey?" tanong niya. Nakatingin lang ako sakanya, tulala lang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito saakin. Muntik na kong mabaril!
Biglang lumandas sa aking magkabilang pisngi ang mga luhang lumalabas mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Shhh wifey, tumawag na ko ng mga pulis." bulong niya saakin.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon nang biglang may naalala ako. Dali dali akong kumalas sa aming pagyayakapan.
Agad akong luminga linga at napanatag ako nang nakita ko ang aking pusa na nililinisan ang kanyang sarili. Hindi ko kasi namalayan na nabitawan ko siya kanina noong hinila ako ni Kyle.
Humakbang ako palapit kay Medusa at agad ko itong niyakap. Hindi ko napigilan ang aking sarili na pugpugin ng halik itong alaga ko.
"Ayos ka lang ba wifey?" biglang tanong saakin ni Kyle.
"Ayos lang ako, salamat." sabi ko sabay lakad palayo sakanya.
"Wait Yvienna!" sigaw niya.
"Why?"
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?" tanong niya.
Kunot noo ko naman siyang tinitigan.
"Ang alin?"
"Na mahal mo parin ako?"
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Omg! Paano na toh!
"I lied." sagot ko. Dali dali akong tumalikod, ang totoo niyan ay mahal ko parin siya pero hindi ko pwedeng aminin sakanya dahil ayokong masira ang relasyon nila ni Cassandra.
Tama na ang isang pagkakamali, yun ay noong ninakaw niya ang victory liner ko. Hindi ko inaasahang magbubunga ng isang magandang biyaya ang ginawa niya.
Magiging ina na ko, hindi ko pwedeng sabihin sakanya na magkakaanak na kami dahil baka kamuhian niya ang batang nasa aking sinapupunan.
Hindi ko alam kung bakit ito ang aking nasa isipan, hindi ko rin namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha sa magkabila kong pisngi.
"What?!" sigaw niya.
Naglakad na ako palayo sakanya nang bigla niyang hinawakan ang aking braso at agad akong iniharap sakanya.
"Huwag na nga tayong maglokohan! Alam kong mahal mo parin ako, mahal rin naman kita eh! Bakit pa natin kailangang pahirapan ang ating sarili!"
"Tama na Kyle! Maling mali na toh! Alam mo ba kung bakit?! Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkakasira ninyo ni Cassandra!"
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...