Kabanata 43

61 6 0
                                    

Kabanata 43

I'm sorry

"Masarap ba?" tanong ni Zach saakin. Napabaling naman ako sakanya.

"Oo naman," sagot ko habang naglalakad kami paalis sa karinderyang kinainan namin kanina.

"MaaAaam!"

Napatingin naman ako sa tumawag saakin. Tina? anong ginagawa ng p.a ko dito?

"Why?" tanong ko.

"May naghahanap po sainyo," aniya sabay abot saakin ng kanyang phone. Agad ko naman itong kinuha at itinapat sa aking tainga.

"Hello?"

"Bwiset ka Yvienna! May kasalanan ka sakin! At hindi mo pa talaga sinasagot ang mga tawag ko ha!" nailayo ko saaking tainga ang phone dahil sa sobrang lakas ng boses nitong babaitang toh.

Paktay ako! Sorry Sissy.

"Ha? May kasalanan ba ko?" pagmamaang maangan ko.

"Hoy! Huwag mo kong lokohin!Binigay mo ko kay Andrew at may lakas loob ka pa para puntahan ako dito sa bahay!"

"Ha? Legit ba yan?"

"Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko! Siya ang nagsabing pumunta ka raw dito at umalis kaagad!Hindi mo manlang ako hinintay na magising!"

"Sorry na! Ililibre na lang kita!" sabi ko sa kabilang linya.

"Sige ha, sabi mo yan! Ingat ka babye!"

Wow! Ang galing talaga ni Tiffany!Basta libre okay na eh! Tsk tsk. Nilingon ko ang aking p.a at agad kong iniabot sakanya ang kanyang phone.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko. Kunot noo ko siyang pinagmamasdan, bakit siya nanginginig? Sasagot na sana siya ng biglang may tumawag saakin.

"Yvienna!" napatingin ako kay Zach.

"Yes?"

"Tara na! Ihahatid na kita," aniya.

Tumango ako at dali daling sumunod sakanya. Pero nakakapagtaka talaga yung p.a ko eh, parang may something? Nagkibit balikat na lang ako at itinuon ko na lang ang aking atensiyon kay Zach.

-----------

Ilang linggo na ang nakalipas, kasalukuyan akong kumakain ng agahan ko dito sa loob ng aking unit nang biglang parang bumabaliktad ang sikmura ko.

Naduduwal ako?! Dali-dali akong tumayo at lumapit sa lababo, yuck!Ba't ako nasusuka? Siguro dahil lang sa kinain ko.

Nagmumog ako at naghilamos na rin ng aking mukha. Lumapit ako sa basurahan para tignan ang box ng cereal na kinain ko kaganina. Hmmm, hindi naman expired.

Napaigtad ako ng biglang nakarinig ako ng sunod sunod na katok. Agad akong tumakbo papunta sa may pintuan at walang pag aalinlangan ko itong binuksan.

"Hi Wifey! Kumain ka na?" Kyle said.

Bigla na naman akong nakaramdam ng parang binabaliktad na naman ang aking sikmura.

"Ang panget mo! Layas!" sabi ko sabay sarado ng pintuan. Nang nasara ay patakbo akong pumunta sa may lababo at doon na naman ako sumuka.

Anyare na ba sakin? Baka may bulok or sirang pagkain akong nakain?

Nakarinig na naman ako ng sunod sunod na katok. Agad akong pumunta sa may pintuan at dahan dahan itong binuksan.

"Ano na naman?!" tanong ko.

"Grabe ka naman, ang gwapo gwapo ko kaya!" aniya.

"Tinatanong?!"

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon