Kabanata 26
Insecure
Nakikinig ako ngayon sa aming talakayan, pinapagitnaan ako nila Kyle at Tiffany. Nagpaalam na ang Prof. namin kaya agad akong nag unat.
"Hayyy!"
"Sissy!" napatingin naman ako sa katabi ko.
"An-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may asungot na sumulpot sa tabi niya.
"I love you Tiffany!" sigaw ni Andrew.
"Ayieeee!" tilian ng mga kaklase namin.
Napatingin ako kay Tiffany na ngayon ay namumula na ang magkabilang pisngi. Napangiti siya dahil sa sinabi ni Andrew sakanya.
"Charot!" sigaw na naman ni Andrew. Nagtawanan kaming magkakaklase dahil sa nasasaksihan namin.
Matatalim ang mga matang tumitig si Sissy kay Andrew.
"Mahalagang paalala, ang charot ay hindi ginagamit na palusot sa anumang uri ng harot!" Tiffany said.
"Owwww!" sigawan ng mga kaklase ko. Bigla namang may kumulbit saakin, nilingon ko ang hinayupak at nakangisi lang ang loko.
"Problema mo?!" tanong ko.
"Ang gand-"
"Hi Kyle!" tawag sakanya ng kaklase namin. Napataas ang kilay ko ng lingunin niya ito.
"Hello!"
"Pwedeng favor?" Sabi ng kaklase namin.
"Ano yun?"
"Pwede bang magusap kayo ng kapatid ko, crush na crush ka nun eh, birthday niya kasi ngayon, please!"
"Sure!" Kyle said. Tumayo siya at agad na lumakad palabas.
Humalukipkip ako, bakit siya pumayag? Akala ko ba ako lang ang gusto niya! Hmmp!
---------
Tapos na ang klase namin, hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Kyle. Anyare na dun? Nakikikain na ata siya sa babaeng may kaarawan ngayon.
Lumabas na kami ni Tiffany ng silid ng biglang,
"Hi Ivi!"
"Uyyy!" sagot ko.
"Tara na?"
"Saan?"
"Kakain tayo sa labas diba?" aniya.
"Ayy oo nga pala," sagot ko. Lumingon ako kay Tiffany na ngayon ay nakangisi saakin.
"Una na kami ha! Ingat ka bye!" paalam ko.
--------
Papasok na kami ngayon sa isang mamahaling restaurant, dala dala ni Nico ang bag ko. Napaka gentleman niya talaga!
Naalala ko na naman yung hinayupak na yun, Letse! ba't ba ako naiinis sa tuwing naiisip ko na may kasama at kausap siyang ibang babae! Letse talaga siya! Letse! Letse! Letse!
"Ivi?"
"Letse!" natutop ko ang aking bibig ng bigla ko iyong naisigaw kay Nico. Paktay!
"Ha?" aniya.
"I mean, gusto ko ng leche flan," palusot ko.
"Ahh! Akala ko minumura mo ko eh!"
"Ba't ko naman gagawin yun?"
Naghanap na ng mauupuan si Nico ng biglang may napansin akong isang tao na kumakain habang nakikipag tawanan sa babaeng kaharap niya.
So ganon? Nakikipag date pala tong hinayupak na toh! Arghhh!
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...