Kabanata 10
Driving lessons
Ang bilis talaga ng oras, sabado na!Excited nako kase ngayon ako tuturuan ni Daddy kung pano magdrive. Yipi! Kakalabas ko lang sa kwarto ko.
Agad akong bumaba gamit ang hagdan at hinanap si Daddy. I wore black floral off the shoulder top and skinny jeans. I also wore black stiletto heels with ankle strap.
Nadatnan ko si Daddy na nakaupo sa couch habang sumisimsim ng maiinit na kape. Agad akong tumabi sakanya.
"Oh Yvienna mukhang excited ka na ah!" sabi niya.
"Daddy tara na, sayang ang oras oh!" sabi ko.
Agad akong tumayo at akmang lalabas na ako ng biglang nagsalita si Daddy.
"Anak, kapag natuto ka kaagad in just one week, bibilhan kita ng kotse na gusto mo," napapalakpak ako sa sobrang tuwa.
Agad akong tumayo ng tuwid at humarap sakanya.
"Daddy, I want Lamborghini Aventador SVJ Roadster!" napalakas ang pagkasabi ko dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Tumawa naman si Daddy dahil sa inasta ko.
"Mukhang handang handa ka na kaya pati kotse na gusto mo ay alam mo na." sabi ni Daddy.
-------
Kakababa ko lang sa kotse namin. Napakaganda ng nakikita ko ngayon, katulad na katulad itong lugar na toh sa napanood ko sa tv.
Nilanghap ko ang masarap na simoy ng hangin. Natauhan na lang ako ng tinawag ako ni Daddy.
"Anak, pumasok ka na dito sa kotse natin at tuturuan na kita." aniya, kakababa ko lang tapos papapasukin na kaagad ako.
Well, ayos lang atlis ngayon matututo na ko kung pano magmaneho.
Matapos ang mahaba-habang pagtutuos, di joke lang hehehe. Mahigit apat na oras na akong tinuturuan ni Daddy kung pano magmaneho, unti-unti na kong natututo.
"Yvienna, ihinto mo na, bababa na ako at magmaneho ka mag-isa para masanay ka, huwag mo munang bibilisan ha,baka mabangasan ang magandang mukha ng anak ko," sabay tawa ni Daddy.
Napailing-iling na lang ako at dahan-dahan kong pinreno ang sasakyan namin.
Bumaba na si Daddy at sinimulan ko ng magmaneho. Patagal ng patagal ay parang nasasabik ako na pabilisin.
Kasalukuyang nakatayo sa gilid si Daddy at pinagmamasdan ang pagmamaneho ko.
Well, fast learner ako kaya walang kahirap hirap akong tinuruan ni Daddy hehehe!
Pinabilis ko ang pagmamaneho ko. Sumisigaw na ako sa sobrang tuwa dahil ang bilis ko nang magmaneho.
Dahan-dahan akong pumreno at agad akong lumabas ng kotse. Nakita ko si Daddy na pumapalakpak.
"Bravo Yvienna! Bravo!" sigaw ni daddy habang palapit sakin.
"So daddy, bibilhan mo na ko ng sarili kong kotse?" tanong ko.
"Sige pero bago yun, kukuha muna tayo ng lisensya mo anak, mahirap na pag nagmaneho kang wala nun.
Hindi parin maalis sa mukha ni Daddy ang tuwa.
"Edi daddy, kuha na ako bukas ng license para makapagmaneho na ako." Tumango si Daddy at agad na sumakay sa kotse.
Napansin kong padilim na kaya pumasok na din ako.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang tumunog ang phone ni Daddy. Agad niyang pinarada sa gilid ang sasakyan namin at sinagot ang tawag sa phone niya.
"Ok..I Get it...Sure...Bukas?..Ok pupunta ako..Sureee..Bye!" sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Biglang lumungkot ang mukha ko.
Hindi niya ko masasamahan bukas para kumuha ng license ko.
"Oh, bat ganyan ang mukha ng baby ko?" tanong niya sakin.
"Eh kasi Daddy, alam kong aalis ka bukas para asikasuhin ang company natin,sino ng kasama ko bukas para kumuha ng license ko?" tanong ko kay Daddy. May halong pagtatampo ang boses ko.
"Baby, pwede ka namang magpasama kay Tiffany, katabi lang naman ng Mall yung LTO office tsaka kilala ako doon kaya madali kang makakakuha ng lisensya lalo pa't anak kita." sabi niya.
Tumango na lang ako, sinimulan na ni Daddy na magmaneho.
------
Kasalukuyan akong nanonood ng K-drama sa loob ng kwarto ko, kanina pa kami nakauwi ni Daddy, nakakain na din ako ng hapunan.
Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko lang. Tatawagan ko si Sissy para samahan niya ako bukas.
"Hi sissy!" bati ko.
"Oh, napatawag ka?"
"Sissy samahan mo ko bukas kukuha kase ako ng license eh." narinig ko naman na parang tumatawa siya sa kabilang linya.
"What's funny?" tanong ko.
"Wala naman sissy,nakakapanibago ka kase, hindi ka nga marunong magdrive eh!" so ayan tumawa na siya ng tumawa sa kabilang linya.
"Hoy sissy, sinasabi ko sayo na mamamangha ka kapag nakita mo ang driving skills ko, susunduin kita bukas,agahan mo ang paggising ha!" sabi ko at agad na binaba ang tawag. Makikita niya talaga bukas.
Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakita kong alas onse na ng gabi kaya pinatay ko na ang tv at nagsimula ng matulog.
zzzzzZZZ
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...