Kabanata 27
Condo Unit
Kakatapos lang naming kumain ng agahan, tumayo na ako at nagsimula na akong maglakad palapit sa couch namin para kuhanin ang bag ko.
Napatingin ako kay Lira na isa rin sa aming mga katulong. Kunot noo ko siyang pinasadahan ng tingin. Naka lipstick ang muchacha, pulang pula ang kanyang labi. Anyare dito?
"Hoy ba't ka nagpapaganda?" tanong ko.
"Eh kasi Maam, hiningi ng pogi yung number ko kahapon eh, tsaka nasa labas po siya Maam, mukhang liligawan ata ako eh,"
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Liligawan kaagad? Hindi ba pwedeng napadaan lang?" umiling naman siya sa sinabi ko.
"Naka hilig po siya sa hamba ng kotse niya, malamang inaantay na ko nun, sige po maam bye!" aniya sabay labas.
Aba't napaka landi naman ng muchacha na yun! Kinuha ko ang phone ko sa may bulsa nitong palda ko. Agad ko itong binuksan at napaawang ang labi ko sa nasaksihan ko.
100 messages and 98 missed calls na galing kay Kyle. Kunot noo kong binasa ang mga mensahe niya.
From: Baby
Sorry na baby! Bday lang naman ni Lucy kaya pinagbigyan ko siya na kumain kami sa labas eh.
Hindi ko na binasa ang mga susunod na mensahe niya. Padabog kong sinuksok sa bag ko itong phone ko at walang pasubaling lumabas ng bahay.
Laking gulat ko na lang ng nakita kong nagpapa cute ang muchacha sa baby ko este sa hinayupak. So siya pala yung humingi ng number nitong muchacha na toh!
Arghhh! Lalo lang akong nainis ng biglang hinawakan ni Lira ang kamay ni Kyle. Nagdadabog akong naglakad palapit sa kanila.
"Hoy muchacha!" napatingin naman silang dalawa saakin.
"Good Morning Baby!" sabi ng hinayupak. Akmang yayakapin niya ako ng bigla akong umiwas.
"B-bakit po maam?" tanong ni Lira.
"Paliguan mo na si Medusa,"
"Eh maam naguusap pa po kami eh!" aniya sabay tingin kay Kyle.
Ah ganon ha! Mga letsugas talaga kayo! Tinaasan ko siya ng kilay habang humahalukipkip.
"Eh kung tanggalin kaya kita sa trabaho mo! Ano aangal ka!"
"Eh hindi naman po kayo yung nagpapasweldo saakin eh!" aniya.
"Ah ganon! Mommy!" sigaw ko.
"Joke lang po, ito na nga eh!" sigaw niya.Narinig ko rin na bumubulong bulong siya.
"Maldita," bulong niya na narinig ko rin naman.
"Impakta!" sigaw ko sakanya.
Tumakbo siya papasok sa aming bahay. Nilingon ko si Kyle na ngayon ay nakatitig saakin.
"Ilang taon na siya?" tanong niya.
"19 bakit?!"
"Hindi na siya nagaaral?"
"Huminto siya sa pagaaral para magtrabaho saamin, may sakit kasi ang lola niya!" sigaw ko.
Bakit niya ba tinatanong? Ano, gusto niya na yung muchachang yun!
"Anong buong pangalan niya?"
"Edi itanong mo sakanya! Tanungan ba ko ng mga muchachang kagaya niya!" sigaw ko bago ko siya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomantikYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...