Kabanata 17

107 11 2
                                    

Kabanata 17

Kiss

Libo-libong boltahe ng kuryente ang aking naramdaman ng tumama ulit ang kanyang hininga sa aking mukha.
Napalunok ako ng nakita kong sumulyap siya sa aking nakaawang na labi.

Itinikom ko ang aking bibig at lakas loob ko siyang tinignan sa kanyang mga mata. Halos matunaw ako sa kanyang mga titig, bahagyang nakataas ang kanyang isang kilay na para bang sinasabing nagaantay siya sa aking isasagot.

"Stop making fun of me!" sabi ko.

Kumunot-noo naman siya dahil sa sinabi ko.

"I'm not making fun of you," giit niya.

Magsasalita pa sana ako ng bigla kaming nakarinig ng yapak palapit saamin.

"Hoy Kyle! Nandito ka lang pal-"

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng nakita niya ang sitwasyon namin. Bahagyang umawang ang labi niya at taas noo akong tinignan.

"Hi Miss Maldita!" aniya sabay ngisi.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan bago humarap kay Kyle. Buong lakas ko siyang tinulak at agad akong humarap kay Justine.

"What did you say?!"

"Ah wala, sabi ko Miss Maganda!" aniya sabay kamot sa kanyang ulo.

Napailing-iling na lang ako at walang pasubaling umalis sa kinaroroonan ko kanina. Sinisipa ko ang mga maliliit na batong nakaharang sa dinadaanan ko.

Nakakainis! Akala ko ba magkaaway kami? Bakit siya nanliligaw? Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Saya, taka at pangambang baka masaktan na naman ako.

Kalaunan ay nakarating na ako sa tapat ng silid namin. I was about to enter my room when I saw a familiar face running towards me. I looked at him and gave him a sweet smile.

"Sorry kanina ha!" aniya.

"Ok lang yun Nico."

"Labas tayo mamaya?" tanong niya.

Sasangayon na sana ako ng biglang parang may pumipigil sa aking desisyon. Half of me wants to go out with him and also half of me doesn't want to.

"I don't know kung pwede ako mamaya." sagot ko.

"Why?"

"Ahm, may gagawin kami ni sissy mamaya eh," sorry Tiffany kung nadamay ka pa.

"Oh ok, maybe next time?" He asked.

"Sure!"

Tumango tango siya bago ngumiti saakin.

"So, aalis na ko bye!"

Kumaway ako sakanya at agad akong tumalikod para sana pumasok sa aming silid.

"Ay pugitang nakawala sa bangketa!" sigaw ko dahil sa gulat.

"Ang gwapo ko naman para maging pugita!" aniya sabay tawa.

Binatukan ko siya dahil sa sobrang inis. Ba't nandito ka na namang hinayupak ka!

"Bangketa? Really?!"

Humagalpak ulit siya sa pagtawa habang ang isang kamay ay hawak hawak ang tiyan niya. Inis na inis na ko kaya kusang tumaas ang isa kong kamay at agad sinapak ang mukha niya.

"Arouchhh!" Sigaw niya habang sapo-sapo ang mukha niya.

Tumingin siya saakin ng masama, inirapan ko siya at agad pumasok sa room namin.

Dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking pwesto sa may bandang hulihan. Natahimik ang lahat dahil sa aking presensiya.

Kalaunan ay umupo ako sa aking upuan at bahagya akong kinulbit ng aking katabi.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon