Kabanata 32
Tita Red
Hinayaan ako ng mommy ni Kyle na ipagmaneho ko siya gamit ang sasakyan ko. Itinuro niya saakin ang daan patungo sa kanilang bahay.
Kalaunan ay nakarating na rin kami, ipinarada ko sa harap ng gate nila ang aking kotse at agad akong bumaba para pagbuksan si Tita Red.
"Salamat iha!" aniya.
I smiled at her.
"Let's go!" she said while holding my right arm.
Pinagmasdan ko ang kanilang malaking bahay, mas malaki pa ito kaysa saamin. Hindi naman kalayuan ang bahay namin dito ngunit wala muna akong balak umuwi roon dahil wala pa naman sila Mommy and Daddy.
Iginayak ako ni Tita Red na umupo sa kanilang sofa. Umupo naman ako habang siya ay nasa tabi ko. Inutusan niya ang kanilang katulong na kumuha ng maiinom.
"Alam mo, ang laki ng naidulot mo sa anak ko." panimula niya.
Kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Bakit naman po?"
"Dahil simula ng nalaman niyang magkaklase kayo ay lagi na siyang maagang pumapasok."
"Ahh ganoon po ba?"
Agad namang sumulpot saamin ang kanilang katulong na may dala dalang dalawang basong may laman na orange juice.
"Dahil din sayo kaya nagawa niyang tumira sa kanyang sariling condo unit."
Sumimsim muna ako sa aking inumin bago ko siya sagutin.
"Akala ko po kayo ang nagpatira sakanya?" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Nako naman, dinamay pa talaga ako ng batang yun, sinabi ko lang naman sakanya na pinapatira ka nila Trinity sa condominium namin," aniya.
"Nagulat na lang ako ng nagtanong siya saakin kung saan ang unit mo, nang nalaman niya na nasa ikalimang palapag ka, agad siyang lumipat ng unit sa katapat ng sayo. Dati kasi nasa ika sampung palapag ang kanyang unit." dagdag niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa aing nalaman, so pinaglololoko lang pala ako ng hinayupak na yun! Arghhh!Dapat sinabi niya na lang na gusto niya kong makasama,well!
"So kamusta naman kayong dalawa," tanong niya.
"Kami na po," napaigtad ako ng bigla siyang pumalakpak.
"Yes! Buti na lang at may nobya na siya akala ko kasi bakla yang anak kong lalaki eh!" aniya.
Natawa na lang ako habang pailing iling. Napaawang ang labi ko ng may narinig akong isang pamilyar na boses.
"Mom, I'm home!" aniya.
Natigilan siya ng nakita niya ako. Agad namang lumapit si Tita Red kay Kyle.
"Hi baby!" Kyle said habang lumalapit saakin. Putek! Hindi manlang niya niyakap o hinalikan manlang ang nanay niya?
Tumayo naman ako para salubungin siya ng yakap. Nang nakalapit ay agad niya kong niyakap ng mahigpit. Nakita ko naman na halos mamatay na sa sobrang kilig ang nanay niya.
----------
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Kyle sa kanilang bakuran. HHWW pa ang peg namin, kung kanina'y sobrang lungkot ko ngayon ay sobrang saya ko. Ewan ko ba, basta kapag kasama ko si Kyle ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Natigilan na lang ako ng bigla niya kong tinulak sa kanilang swimming pool. I was so shocked, mabuti na lang at marunong akong lumangoy.
Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay halos mamatay na sa kakatawa. Basang basa na ko! Wala pa naman akong extrang damit, ang malala pa doon ay naka uniporme pa ako.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomansaYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...