Kabanata 60
Sun and Moon
Sunod sunod na katok ang gumising saakin. Inis akong tumayo habang binubuksan ko ang pintuan.
"Ano ba?!"
"M-maam, may naghahanap po sainyo sa labas." aniya.
"At sino naman yun?!"
"Si S-sir Kyle po."
"Sabihin mo, wag niya na kong guluhin! Sabihin mo rin na sumama na siya don sa Lucy niya!" sigaw ko sa aking guwardiya bago ko padabog na sinara ang pintuan.
Nakakainis! Anong ginagawa niya dito ha?! Alas otso na ng gabi tapos mambubulabog pa siya!
*Tok Tok Tok*
Arghhh!!! Dali dali kong binuksan ang pintuan.
"Ano na naman ba ha?!"
"Maam, hindi daw po siya aalis hanggat hindi niyo daw po siya kinakausap."
"Sabihin mo, letse siya!" agad namang tumango ang aking guwardiya. Weh? Sasabihin niya talaga yun?!
Dahan dahan akong bumaba, sinusundan ko lang naman ang guwardiya ko. Lumabas na siya kaya nagtago ako sa likod ng pintuan habang pasilip silip sa may bintana.
"Sir, Letse ka raw!"
"Ano?! Buksan mo na nga tong gate na toh!"
"Eh sir, baka magalit samin si Maam."
Napansin kong kasama ni Kyle sina Andrew, Lexter, Justine at Zander. Ba't sila nandirito?!
Kunot noo kong sinusundan ng tingin si Kyle habang kinakausap ang kanyang mga kasama. Teka teka, ba't may mga gitara silang dala?!
"Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman
Akong magawa" kanta ni Kyle habang nag gigitara.Anong palabas toh?! Akala niya ba madadala niya ko sa paganyan ganyan niya?!
"Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap
Kita.
Hanggang kailan ako maghihintay"Shit! Gravi ka naman bibi ih! Hihihihi! Ang landi self!
Naiinis akong lumabas habang nakahalukipkip. Pinapanood ko lang sila nang biglang ngumiti saakin ng pagkatamis tamis si Kyle.
"Na makasama ka muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
Na tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti
Sa mga labi"Nanlaki ang mga mata ko nang biglang binuksan ng mga guwardiya ko ang gate. Tsk. Tsk.
" 'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal"Kunot noo ko siyang pinagmamasdan habang dahan dahan siyang lumalapit saakin.
"Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa, knock on wood
'Wag naman sana
Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka"
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...