Kabanata 37
Welcome back
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng umuwi kami dito sa Pilipinas, nandito ako sa aming bahay habang sila Divine, Nathan at Tiffany naman ay nasa kani kanilang bahay rin.
Maayos na rin ang lagay ni Daddy, nakiusap siya saakin na ako na ang pumalit sa pwesto niya bilang CEO ng Mendoza's corp.
Pumayag naman ako,kaya ito ako ngayon, pababa na ng sasakyan namin.
"Hawakan mo muna si Medusa," sabi ko sa p.a ko.
"Yes po maam," aniya.
"Antayin niyo ko dito, pwede muna kayong maglibot libot," sabi ko bago nagsimulang lumakad.
I wore backstage pass white sleeveless
cutout bodycon white dress and white ankle strap sandals suede 5 inches stilleto heels.Madami ng nagbago saakin, katulad na lang ng buhok kong kulay balayage with blonde highlights. Hanggang baba na lang ng kili kili ang aking buhok na dati ay hanggang beywang ko.
Kinulot ko ito kanina sa dulo,taas noo akong lumalakad ng biglang may sumalubong saakin.
"Goodmorning Ms. Mendoza, Ako po ang pinadala ng daddy niyo para maging sekretarya niyo." aniya.
"Okay, so anong gagawin natin ngayon?"
"Kasalukuyan pong nagaantay ang mga stockholders and business partners ng Mendoza's corp. sa inyong pagdating,"
"So hindi magsisimula ang meeting hangga't wala ako?" tanong ko.
"Yes po maam!"
"Sino sino ang mga business partners na nagaantay?"
"Si Mr. Zamora and Ms. Soriano po."
"Cassandra Soriano?"
"Yes po!" aba't anong ginagawa ng bruhang yun dito?
"Gusto kong mauna ka saakin at ipakilala mo ako sa kanila bago ako pumasok,"
"Ok po," aniya sabay lakad pauna saakin.
-------
Naririnig ko na nagsasalita na ang sekretarya ko, mamaya na ko papasok kapag binanggit niya na ang pangalan ko. Kailangan bongga para maganda!
"Sikat na Model and singer, let us welcome, the new CEO of Mendoza's corp. Miss Yvienna Keith Mendoza!"
Narinig ko namang nagpalakpakan ang lahat, nagcatwalk ako habang pumapasok sa silid.
"Good morning everyone," Bati ko. Agad naman silang nagtanguan.
Inisa isa ko sila ng tingin hanggang sa dumako ang aking paningin kay Kyle at Cassandra na ngayon ay magkatabi.
Nagiwas ako ng tingin at agad akong umupo sa upuan. Nagsimula na kaming mag meeting, magtatayo kami ng isa pang resort sa Laguna kaya kailangan ng magandang plano.
"The meeting is adjourned." sabi ko.
Isa isang lumabas ang mga tao maliban kay Kyle, Cassandra at sa engineer na hindi ko kilala.
"Hi, Miss Yvienna." sabi ng engineer sabay lahad saakin ng kanyang kamay.
"I'm Zach Lastera." aniya, agad ko namang tinanggap ang kanyang kamay.
"Yvienna Keith Mendoza,"
"So, friends na tayo?"
"I don't want you to be my friend," sagot ko. Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Kyle.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...