Kabanata 50

60 5 0
                                    

Kabanata 50

Cold

Ilang oras na ang nakalipas simula ng pumunta dito si Cassandra. Kasalukuyan akong sumisimsim ng mainit na gatas nang biglang pumasok ang aking sekretarya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" I asked.

"A-ah pasensiya na po, nagmamadali lang po ako na ipaalam sainyo na kakarating lang po ni Sir. Kyle."

Napaubo ako dahil sa aking narinig. Nandito na si Kyle?! Ibig sabihin pwede ko na siyang makausap!

Agad akong tumayo at lumabas dito sa aking opisina.

"Diyan lang kayo, gagamit lang ako ng cr." pagsisinungaling ko sa aking mga guwardiya.

Agad naman silang tumango, nagmamadali akong hanapin si Kyle. Sa wakas at magkakaayos na rin kami!

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Kyle na kinakausap ang kanyang sekretarya.

Dali dali akong lumapit sakanya.

"Kyle!" tawag ko.

Agad naman silang napatingin saakin.

"Yes Ms. Mendoza?" parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kanyang sinabi saakin. Ms. Mendoza? Nasaan na yung baby or wifey na tawag niya saakin?!

"P-pwede ba kitang makausap?" tanong ko.

"I'm busy, maybe next time?" aniya sabay lakad palayo saakin.

Parang may kung anong pumukpok sa aking dibdib dahil sa pakikitungo niya saakin. Kasalanan ko rin naman  diba? Ako ang nagsabing layuan niya na ko.

Pero hindi ako susuko. Alam kong mahal niya parin ako kaya ako na ang susuyo sakanya. Bakit ba kami pinaglalaruan ng tadhana? Kung kailan nalaman ko na ang katotohanan tsaka siya lumalayo saakin.

Napabuntong hininga na lang ako. Bagsak ang magkabila kong balikat nang bumalik ako sa aking opisina. Nadatnan ko roon ang aking sekretarya na nagaayos ng mga papeles.

"Hey, bigyan mo ko ng pinakamasarap na kape." utos ko sakanya.

"Okay po." aniya sabay lakad palabas.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin siya habang dala dala ang aking pinabili.

Agad niya itong iniabot saakin. Tumayo ako at dali daling lumabas nang aking opisina nang biglang,

"Maam saan po kayo pupunta?" tanong ng isa sa aking mga guwardiya.

"Huwag niyo na kong samahan, mag ccr lang ako okay."

"May dala kayong kape?" tanong niya.

"Masama bang magkape habang nakaupo sa inidoro?!" napangiwi naman sila dahil saaking sinabi.

Shit! Ngayon ko lang napansin na nakakahiya pala ang aking sinabi! Hayaan na nga!

Agad kong hinanap ang opisina ni Kyle. Nang nahanap ay agad akong kumatok at pumasok.

"Yes, Ms. Mendoza?" He asked.

Napaka cold naman ng taong toh! Pasalamat ka mahal kita!

"A-ah para sayo nga pala." sabi ko sabay abot sakanya ng kape.

"Hindi na." aniya.

"P-pero,"

"Ms. Mendoza, you're a CEO here not my secretary."

"Hindi ko naman sinabing sekretarya mo ako ah! Masama bang magbigay ng kape?"

"Thanks but no thanks." He said. Ouch! Napaka arte naman nitong taong toh.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon