Kabanata 2
First day
"Maam nandito na po tayo," aniya.
Tumango ako at agad kong binuksan ang pintuan ng kotseng ito.
"Tetext ko na lang kayo pag uwian na namin."
Bumaba na ako ng sasakyan at sinara ko na ang pintuan ng kotse namin. Humarap ako sa gate ng University at nakita ko si Sissy na nakatingin saakin ng masama.
"Hi Tiffany!" bati ko sakanya ngunit hindi parin nawawala ang kanyang matatalim na tingin saakin.
"Sorry na! Aagahan ko na bukas promise!"
Bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Tara na nga 5 mins. na lang magsisimula na ang klase!"
Tumango naman ako sakanya at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng unibersidad.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng biglang nakarinig ako ng bulungan.
Hindi ko ito pinansin at taas noo na lang akong naglakad."Ang ganda nila noh!"
"Mas gusto ko yung nasa kanan!"
Nasa kanan? Ako yun ah?! Nagkibit balikat na lang ako. Mukhang naririnig din naman ni Sissy ang mga bulungan ngunit parang balewala lang iyon sakanya.
"Maganda nga yung nasa kanan kaso mukhang mayabang naman!"
What?! First day of school may basher na kaagad ako?!
"Maganda silang pareho kaso mukhang maldita yung nasa kanan!"
"Maganda ba yan?! Ang panget panget nga eh,mukhang skwater!"
"Sino diyan ang mukhang skwater?"
"Yung nasa kanan!"
Nagpantig ang magkabila kong tainga dahil sa narinig ko. Hinanap ng mga mata ko ang taong nagsabing skwater ako.
"Nakatingin sakin yung skwater hahaha!"
Nilapitan ko ito at bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa paglapit ko sakanya.
Humalukipkip ako sakanya at syempre tinaasan ko din siya ng kilay.
"Can you please shut up your ugly mouth! Nakakairita kasi eh! Napaka daldal mo! Tsaka itikom mo nga yang bibig mo,ang daming langaw oh,papunta ata sa imbornal. Ay mali pala sa bunganga mo pala!"
"Halika na Sissy!" aya ni Tiffany.
Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi siya. Nagkibit balikat na lang ako at agad naglakad paalis sa kinalalagyan ng babaeng imbornal.
"Bilib talaga ako sayo Sissy," sabi niya habang naglalakad kami.
"I know right, ako pa ba?"
"Face your consequences Sissy, alam mo namang halos lahat ng nasa University na toh ay mayayamang kagaya natin,"
Kumunot-noo naman ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya,
"Anong ibig mong sabihin?!"
"Hindi ka nila tatantanan," aniya.
"Sinong sila?!"
"Basta, abangan mo na lang."
Magsasalita pa sana ako ng biglang huminto siya sa paglalakad.
"Why?" tanong ko.
"Anong why ka diyan, ayan na yung room natin oh!" sabi niya sabay turo sa silid na katabi ko lang.
"Ay sorry naman!"
Pumasok kami at napakaswerte namin dahil wala pa ang Professor namin. Naghanap kami ng mauupuan at nakita naming may bakante sa bandang hulihan.
Agad kaming naglakad patungo doon at nang nakarating ay agad kaming umupo.
"Sissy, kwento ka naman diyan about sa University na toh,"
"Anong ikekwento ko?"
"Kahit ano? Or about na lang sa lovelife mo,"
Napangiwi na lang siya sa sinabi ko. Bahagya siyang lumapit saakin at agad na bumulong sa tainga ko.
"Tignan mo yung lalaking naka pwesto sa harap ng inuupuan natin ngayon,"
Sinunod ko naman siya. Anong meron? Infairness gwapo kahit na medyo may kulay green sa buhok nito.
"Oh ano?" tanong ko.
"Nakakabwisit yan, Noong first year college palang ako crush ko yan kaso playboy tsaka lagi akong iniinis." bulong niya.
Napatango tango naman ako sakanya habang nakangisi. Mukhang napansin ni Sissy ang mukha ko kaya agad niya akong binatukan.
"Aray ko ha!"
"Tropa niyan yung anak ng may ari ng University na toh." Bulong niya ulit.
"Sino?"
"Si Kyle Light Zamora," aniya.
"Gwapo?"
Binatukan niya na naman ako. Napangiwi na lang ako dahil sa sakit ng batok ko.
"Hoy masakit ha!"
"Ikaw kasi eh! Pero Sissy bagay kayo nun!"
"Talaga? Baka naman panget yan ha!"
"Hindi ah! Makikita mo mamaya."aniya.
"Mamaya? Bakit kaklase ba natin?"
"Oo, kaya manahimik ka na lang diyan!"
Kyle Light Zamora. Ganda ng pangalan ah! Naeexcite tuloy akong makita siya!
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
Storie d'amoreYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...