Kabanata 31

70 7 0
                                    

Kabanata 31

Officially Mine

"Ba't mo yun ginawa," bulong saakin ni Kyle.

"Eh tinakot niya ko eh!"

"Kahit na, hindi naman yun multo eh!" aniya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumulbit sa likuran ko. Napahinto kami ni Kyle at sabay kaming tumingin sa isa't isa.

"May kumulbit rin sayo?" tanong niya. Tumango naman ako at dahan dahan kaming tumingin sa likuran.

Oh ow!

Nakita naming maraming zombies ang nasa likuran namin, mukhang alam ko na ang susunod naming gagawin.

"1, 2, 3," sabay naming bilang.

Hinigpitan niya muna ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Takbo!" agad naman kaming tumakbo, sumulyap ako sa likuran at nakita kong hinahabol nga kami ng mga impakta na yun. Wahhhh!

Bigla namang may sumulyap sa harapan ko, hindi ko na naman sinasadyang masipa ko siya. Kapag may sumusulpot saakin ay hindi ko maiwasang sipain o suntukin.

Kalaunan ay nakalabas na kami nang biglang may nagsalita  na gwardiya.

"Hoy! Hoy! May nagreklamo saamin na nananakit daw kayo?!"

"Hindi kami yun!" pag sisinungaling ko.

"Anong hindi! Kitang kita sa cctv camera ang pananapak at paninipa mo!" aniya at akmang huhulihin niya ko nang  bigla akong hinila ni Kyle.

Sabay kaming tumakbo, kalaunan ay hindi na kami naabutan ng bundat na yun. Letse kasalanan ko ba yun?!

Hingal na hingal kaming umupo sa damuhan. Tawa kami ng tawa dahil sa kalokohang ginawa namin. Ikaw ba namang tumakbo at takasan ang isang gwardiyang bundat.

"Yvienna, kakaiba ka talaga!" aniya sabay halakhak.

"Kyle," tawag ko sakanya. Agad naman siyang sumulyap saakin.

"Hmmm?"

"Oo na,"

"Anong oo?" aniya.

"Sinasagot na kita!" sigaw ko. Agad naman siyang tumayo at sumuntok sa hangin.

"Yes!" aniya sabay hila saakin patayo. Nagulat na lang ako ng binuhat niya ko at pinaikot ikot sa ere. Natawa naman ako dahil sa mga pinag gagagawa niya.

---------

Naglalakad kami habang magkahawak ang aming kamay. Napapailing iling na lang ako sa mga kalokohang ginagawa nitong hinayupak na toh. Katulad na lang nito,

"Ate, kami na!" aniya sa mga nakakasalubong namin.

"Ayy congrats!"

"Tumigil ka nga, nakakahiya!" saway ko sakanya.

"Ayoko nga!"

"Ah ganon!" agad ko naman siyang kinurot sa kanyang tagiliran, bigla naman siyang tumakbo palayo saakin kaya wala akong nagawa kundi habulin siya.

"Hoy bumalik ka nga dito!" sigaw ko.

"Habulin mo muna ako!"

"Baby pagod na ko!" natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. Agad siyang lumapit saakin, buti na lang at umubra ang ginawa ko.

"Anong sabi mo baby?" aniya.

"Ano bang sinabi ko?" pagmamaang maangan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong niyakap at pinagpupugpog ng halik sa mukha.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon