Kabanata 21

86 12 0
                                    

Kabanata 21

First Date

Naka upo ako sa kama ko habang nilalaro laro ko ang bago kong alagang pusa na si Medusa.

"Hangkyut kyut mo!" sabi ko sabay pisil sa malaman nitong tiyan.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko na nasa may tabi ko lang. Agad ko itong kinuha at binuksan.

*From: Unknown Number*
   
6:00 pm susunduin kita :)

May hinala na ko kung sino ang nagpadala ng mensaheng ito pero itatanong ko parin kung sino ito.

*Me*

Who are you?

*From: Unknown Number*

Ouch baby, Ba't hindi mo ko kilala?Ako toh si Kyle ang future bf mo ;)

Magtitipa na sana ako ng ipapadalang mensahe para sakanya ng biglang tumunog ulit itong phone ko.

*From: Unknown Number*

Baby, Save mo number ko ha!

Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinesave ang number ni Kyle. Hindi ko rin malaman kung anong pumasok sa utak ko dahil ang nilagay kong name niya sa contact list ko ay Baby.

What the heck! Anyare na sayo self? Inlababo ka na ba? Aaminin ko, natatakot akong sumugal ulit pero normal lang naman na masaktan diba?

Natigil na lang ako ng biglang tumunog ulit ang phone ko.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Hi baby! 6:00 pm ha bye!" aniya sabay baba sa tawag.

Yun lang yun? Adik ata toh eh!

----------

Kakatapos ko lang magbihis. I wore White lace off the shoulder dress and white high heels ankle strap sandals.

Pinagmamasdan ko sa salamin ang aking buhok na ginawa kong Messy bun. Nang biglang may kumatok sa pintuan nitong kwarto ko. Agad ko itong binuksan at tumambad saakin si Mommy na nakakunot-noo.

"Ba't ganyan ang ayos mo?" tanong niya.

"Ahmm Mommy, inaya kasi ako ni Kyle na luma-"

"Oh Sure, sige na, bumaba ka na!" aniya.

"Wait Mommy kukunin ko lang yung bag k-"

"Ako na, bumaba ka na lang!" sabi niya habang malaki ang ngiti.

Anyare? Nagkibit balikat na lang ako at agad na bumaba. Nang nakababa ay agad akong umupo sa aming couch.

"Anak oh!" sabi ni Mommy habang inaabot saakin ang Chanel Handbag ko.

"Thanks!" I said.

Bigla namang dumating si Yaya Mirna. Pinagmasdan ko siya, kunot noo ko siyang tinignan. Pulang pula ang magkabila niyang pisngi at nakangiti pa.

"M-maam m-may gwapo sa l-labas,hanap daw po kayo!" aniya.

Hmmm? Kung hindi ako nagkakamali ay si Kyle na yun. Tumayo ako at agad kong hinalikan si Mommy sa kanyang pisngi.

"Bye!" sabi ko.

"Ingat ka!" aniya.

Lumabas na ako ng bahay at agad ko namang binuksan ang Gate namin. Pinasadahan ko siya ng tingin habang nakataas ang kilay.

He was wearing white longsleeve polo and black pants. Naka wayfarer pa ang hinayupak, naka unbotton din ang dalawang botones kaya medyo kita na ang kanyang dibdib.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon