Kabanata 42

61 5 0
                                    

Kabanata 42

Wifey

*Kring Kring*

Nakapikit pa ako habang kinukuha ko ang aking phone sa may gilid ko. Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga para sagutin ang tumatawag saakin.

"Hello?"

"Goodmorning Yvienna!"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, si Zach tumatawag?

"Ba't ka napatawag?" tanong ko sa kabilang linya.

"Ahm kase diba ngayon natin bibisitahin yung lupang binili niyo sa Laguna na pagtatayuan ng bagong resort niyo?"

"Oh?"

"Pwede bang, isabay na lang kita sa kotse ko?" aniya.

"Sige," sagot ko.

"Yes! Ahh asan ka ba ngayon?Susunduin na kita."

"Nasa unit ko, huwag mo na akong sun-"

"Okay, text mo na lang saakin kung saan yang condo unit mo babye!" aniya sabay baba sa tawag. Syete!Hindi manlang ako pinatapos.

Wala na naman akong magagawa kaya nagtipa na ako ng mensaheng ipapadala sakanya.

Tumayo na ako at agad akong dumiretso sa banyo upang maligo. Nang natapos ay agad akong nag bihis at nag ayos ng sarili. I wore white backless tie knot long sleeve crop top and brown high wasted denim shorts.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking magandang buhok. Kinuha ko ang aking chanel handbag habang sinusuot ko ang aking  rayban sunglasses.

Nang natapos ay agad na akong bumaba gamit ang hagdan. Saktong pagkababa ko ay biglang may kumatok sa may pintuan.

Baka si Zach na ito! Dali dali ko itong binuksan at bumusangot ang aking mukha sa nakita ko.

"Goodmorning Baby!" Kyle said.

"I'm not your baby!"

"Edi wifey na lang, goodmorning wifey!"

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at walang pasubali kong isinara ang pintuan nang biglang,

"Ahhhh!!!" sigaw niya. Dali dali kong ibinuka ng malaki ang pintuan.

"Bakit?!" tanong ko. Bumaba ang aking paningin sa kamay niya na ngayon ay namumula na. Oh shit!Naipit siya!

"Aray! Ang sakit!"

"Akin na nga! Tatanga tanga kase!" sabi ko sabay kuha sa kamay niya.

"Grabe ka naman," aniya.

"Malayo lang yan sa bituka, mawawala rin yang sakit mamaya." sabi ko bago bitawan ang kanyang kamay.

Shit! Hindi ko kayang hawakan ang kamay niya ng matagal! Nanginginig ang kamay ko at ayokong maramdaman niya ito.

"Yvienna!" napatingin ako sa tumawag saakin.

"Uyy! Zach, ano tara na?" tanong ko.

Agad naman siyang tumango, tumalikod ako para isara ang pintuan nitong unit ko. Nang natapos ay kunot noo akong tumingin kay Kyle na ngayon ay nakatingin kay Zach.

"Let's go!" Zach said.

-----------

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa loob ng kotse ni Zach. Katabi ko lang siya habang ako ay nakahilig lang sa bintana nitong sasakyan nang biglang nagpatugtog siya.

Oh thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free

Napapikit ako ng mariin ng narinig ko ang kanta. Nananadya ata ang tadhana eh! Sa dami dami ba namang pwedeng ipatugtog bakit yan pa?!

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon