Kabanata 11
Race
Kasalukuyan akong kumakain ng agahan. It's already 8:00 in the morning. "Yaya, nasaan si Mommy?" tanong ko. "K-kasama po ni s-sir" tumango na lang ako at inubos ang pagkain ko.
Napapailing na lang ako tuwing nauutal ang mga katulong namin kapag kinakausap ko sila, kagaya ngayon, siguro natatakot lang sila saakin.
Tumayo na ko at nagsimulang humakbang palabas. I just wore plain white off the shoulder top and jeans. I also wore white sandals. Nakalugay lang ang maganda at mahaba kong buhok.
Nakita ko si Mang Betong na nagkakape habang nakasandal sa kotse namin. Mukhang napansin niya yata ang presensiya ko kaya tumayo siya ng tuwid.
"Goodmorning senyorita!" bati niya. "Mang Betong, asan ang susi?" tanong ko. Nagtaka naman siya sa tanong ko.
"Ano pong susi senyorita?" I just rolled my eyes at him.
"Syempre susi ng kotse, nako nako Mang Betong!" napakamot naman siya sa ulo niya. Nilahad ko ang kamay ko at tinignan niya lang ito.
"Are you deaf? I said give me the keys!"sabi ko. "Pero senyorita,baka pagalitan ako ng mommy niyo," sabi niya.
"Alam ni Daddy na aalis ako ngayon tsaka tinuruan niya ko magdrive, kaya give me the keys!" naiirita kong sabi.
Parang nagdadalawang isip pa si Mang Betong kaya nagsalita ulit ako. "Ibibigay mo o sasabihin ko kay Daddy na tanggalin ka sa trabaho?!" agad niya namang binigay ang susi sa akin.
"Good, Mang Betong please open the gate aalis nako," sabi ko bago pumasok sa kotse. Sinunod niya naman ang inutos ko at sinimulan ko ng magmaneho.
Dahil wala namang masyadong traffic ay nakapagmaneho ako ng maayos. Ang totoo niyan ay hindi ako sanay magmaneho pag madaming sasakyan kaya palinga-linga ako sa side mirror para makita ko kung may pasalubong ba na kotse.
Huminto ako ng nag red light ang traffic light. I'm not stupid naman kaya alam ko yang mga bagay-bagay na yan. Matapos ang isang minuto ay naging green na ang traffic light kaya sinimulan ko ng magmaneho.
Panay busina ng nasa likuran ko. Medyo dumadami na kase ang sasakyan dito kaya medyo hirap ako kaya nagseryoso akong magmaneho. Panay busina parin ng nasalikuran ko.
Ano bang problema nito, medyo lumuwag na kaya binilisan ko na. Napansin kong bumubusina parin ang kotse na nasa likuran ko. Sinilip ko ito sa side mirror at nakita ko ang isang white sedan car .Medyo binagalan ko at napansin kong lumapit ang kotse na toh sa gilid ko.
Parang naghahamon na makipagkarera, ako pa ang hinamon mo ha. Agad kong binilisan ang pagmamaneho ko, ganon din ang ginawa ng kotseng ito, mas binilisan ko pa ang pagmamaneho kaya naiwan ito sa hulihan. I open the side window of this car, "Bye loser!" sigaw ko.
I closed the side window of this car, pinagpatuloy ko ang pagmamaneho ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating nako sa bahay nila Tiffany. Nakita ko siyang nakatayo na sa labas ng bahay nila.
Sinuot ko ang black fade sunglasses ko at tuluyan nakong bumaba sa kotse namin.
"Oh anong tinatayo-tayo mo diyan, sakay na!" sigaw ko kay Sissy. Sumakay naman siya at ganon din ang ginawa ko.
"Hoy sissy! ayoko pang mamatay ng maaga ha!" sabi niya habang naglalagay ng seatbelt.
"Sige sissy,hapon kita papatayin!" sabi ko. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sakin.
"Just kidding!" sabi ko bago tuluyang pinaandar ang kotse .Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng biglang tumawa ng mahina si sissy.
"Bat ka tumatawa diyan?" tanong ko.
"Ito naba ang pinagmamamalaki mo?mas mabilis pa ata ang pagong sayo eh!" sabi niya.
"Just wait and see! Hindi ako masyadong nasilaw sa araw, dahil suot ko parin ang sunglasses ko. Bumusina ang kotse na parang sinasabing sumasangayon siya sa sinabi ko.
Agad kong tinaas ang side window ng kotse na ito at sinimulang pabilisin ang pagmamaneho ko.
Sobrang bilis ko, hindi ko pinansin ang patuloy na pag irit ng katabi ko. Nasa likuran ang kotse na hinamon ko.Agad akong lumiko para iparada ang kotse ko. Ganon din ang ginawa nitong nakipagkarera sakin.
Naka parada ang kotse namin sa harapan ng Mall. Bumaba ang driver ng nakipagkarera sakin kanina at huminto ito sa gilid ng kotse ko. Para bang inaantay akong bumaba.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumingon sa katabi ko. Napangiwi na lang ako sa nakita ko. Tulala si Tiffany, nakatingin siya sa kawalan.
"Hey are you ok?" I asked while poking her cheeks. Nanatili parin itong tulala sa kawalan.
"Tiffany pag hindi ka umayos hindi kita ililibre sa starbucks!" agad naman siyang umayos at dali-daling tinanggal ang kanyang seatbelt.
"Ikaw kasi eh, huwag mo nang uulitin yun ha!" sabi niya. Tumango naman ako at agad na bumaba ng kotse, ganon din ang ginawa niya.
Sinara ko ang pinto ng kotse namin at agad na lumingon sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Tinanggal ko ang sunglasses ko at napaawang ang bibig ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Ikaw?!" sabi niya habang tinatanggal ang sunglasses niya.
Napaawang din ang labi ko. Kung minamalas ka ba naman oh! Bakit nandito sa harapan ko ang hinayupak na toh, pinasadahan ko siya ng tingin, He was wearing plain white shirt and jeans.
"Anong ginagawa mo dito?!" mataray kong tanong sakanya.
"Eh ikaw bakit ka nakipagkarera sakin?!" sabi ni Kyle. Aba't kasalanan ko pa?
"Eh ikaw tong nauna eh!" sigaw ko.
Hanggang ngayon ay magkaaway parin kami, lalo kaming naging magkaaway dahil sa nangyari sa court. Sobra daw siyang napahiya dun.Pake ko naman.
He just rolled his eyes at me.Wow makairap wagas, bakla ata toh eh. Akmang hahakbang ako paalis ng biglang humarang sa harapan ko si Tiffany, ngiting ngiti siya at palipat lipat ang tingin niya samin.
"Wow terno kayo ah!yieeee meant to be!" pangaasar niya.
"MANAHIMIK KA NGA!" nagkasabay pa kami ni Kyle ng pagsigaw.
Nako naman oh letseng layf toh oh. Napa face palm na lang ako at agad na kinaladkad si Tiffany.
"Huy wait!" reklamo niya pero hindi ko parin siya binibitawan.
"Bye Kyle!" sigaw niya at tuluyan na kaming umalis. Pumasok na kami sa LTO office at tama nga si Daddy, naging madali ang pagkuha ko ng test para makakuha nako ng drivers license.
Bumalik daw ako bukas para sa isa pang test. Pag nakapasa daw ako edi makukuha ko na next week ang license ko.
Kasalukuyan kaming nakaupo at sumisimsim ng frappe dito sa starbucks. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng cake ng biglang huminto si Sissy sa pagkain at parang may sinisilayan sa likuran. Akmang lilingon ako kung saan sya nakatingin ng bigla itong nagsalita.
"Kyle! Here!" sigaw ni Sissy. Agad namang lumapit ang hinayupak sa pwesto namin. Umupo si Kyle sa tabi ko kaya napausog na lang ako.
"Oorder ka?" tanong ni Tiffany, tumango ang tukmol at agad namang tinawag ni sissy ang waiter.
Umorder si hinayupak and after 3 mins ay dumating na ang order niya.
"Restroom lang ako," paalam ko kay sissy. Tumango siya at sinimulan ko ng pumunta doon.
Nagpowder lang ako at naglipstick, inayos ko pa ang buhok ko, ba't ba ko nagaayos? napailing-iling na lang ako sa naiisip ko.
Agad akong lumabas ng restroom at nagsimulang bumalik sa pwesto namin, nandun parin ang hinayupak. Akmang uupo ako ng biglang may bumangga sakin.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...