Kabanata 49
Truth
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa loob ng aking unit. Nang nakapasok ay agad kong ibinaba ang aking alagang pusa na karga karga ko kaganina.
Humakbang ako papalapit sa isang malaking salamin at laking gulat ko ng nakita kong kalat kalat na pala ang aking mascara. Patakbo akong pumunta sa banyo at agad na naghilamos.
Naluluha ako habang nililinis ko ang aking mukha gamit ang tubig. Ansakit sakit! Napaka sakit! May mga bagay talaga na hindi natin maaaring makamit.
Napaigtad ako nang biglang tumunog ng napakalakas ang aking phone. Agad kong iniangat ang aking suot na dress, nang naangat ay dali dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng shorts ko.
"Hello?"
"Yvienna! Nabalitaan ko ang nangyari sayo! Ayos ka lang ba?!" nagaalalang tanong saakin ni Mommy.
"A-ayos lang po ako."
"Pina iimbestigahan na namin ng Daddy mo kung sino ang taong nagtangka sayo na barilin ka!"
"Mabuti naman po kung ganoon,"
"T-teka nga? Umiiyak ka ba?!" tanong niya.
"H-ha? Hindi naman po Mommy," pangsisinungaling ko.
"Nasaan ka na ba?"
"Nasa unit na p-po,"
"Antayin mo kami diyan, pupuntahan ka namin ha!" aniya sabay baba sa tawag.
Sumandal ako sa may pader habang umaagos parin ang aking mga luha. Mahal na mahal ko si Kyle! Karma na ba toh sakin dahil sa pagiging maldita ko?!
Pinalis ko ang aking mga luha at agad akong lumabas. Dumiretso ako sa aking kusina at agad akong kumuha ng tubig.
Magpakatatag ka self! Kailangan kong magpakatatag para sa aking magiging anak. Umiinom ako ng tubig nang biglang may kumatok sa may pintuan.
Naglakad ako palapit doon at agad ko itong binuksan. Tumambad saakin ang limang lalaking hindi ko kilala. Kinabahan ako dahil baka may gawin silang masama saakin, akmang isasara ko na ang pintuan nang biglang nagsalita ang isa sa kanila.
"Maam, huwag po kayong matakot, pinadala po kami ng Daddy niyo para bantayan kayo."
"Hindi ako naniniwala!" sigaw ko. Akmang isasara ko na ulit ang pintuan nang biglang may narinig akong pamilyar na boses.
"Maniwala ka sakanila Yvienna!" Napatingin ako kay Kuya Dashylle, nanlaki ang mga mata ko at walang pasubali akong tumakbo papalapit sakanya.
Nang nakalapit ay agad ko siyang niyakap. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang balikat at doon ako nagsimulang umiyak ng umiyak.
"Hey, ayos ka lang ba?"
Tumayo ako ng tuwid habang pinapalis ang aking mga luha.
"Ayos lang ako kuya."
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking baba habang pinagmamasdan niya ang aking mukha.
"Kanina ka pa umiiyak?"
Tumango naman ako. Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niya kong hinila papasok sa aking unit.
"Magbantay kayo diyan ha!" utos niya sa mga guwardiya.
Nang nakapasok ay agad niya kong pinaupo sa aking sofa.
"Ba't ka umiiyak?" tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumuhos na naman ang aking mga luha. Naalala ko tuloy noong bata palang ako, siya lagi ang kinekwentuhan ko ng aking mga problema.
BINABASA MO ANG
What's Wrong with Miss Maldita?
RomanceYvienna Keith Mendoza also known as 'Miss Maldita'. She thinks that everyone likes her because she's pretty, smart and rich. But they actually hate her because of her bad attitude. Sino ba namang magkakagusto sa isang malditang kagaya niya? Banggain...