Wakas

64 7 4
                                    

Kyle's POV

Sabado ngayon at limang taon na ang nakalipas simula noong ikinasal kami ni Wifey, ang saya saya ko dahil napangasawa ko ang first love ko. Inggit kayo noh? Hehehe char lang!

Pero teka, bakit hindi ako makahinga ng maayos? Bakit amoy diaper? Tsaka bakit ang baho? Amoy tae ng bata?!

Agad kong iminulat ang mga mata ko, shit! Nakaupo pala sa mukha ko ang bunso kong anak na si Ivan. Takteng yan! Kaya pala amoy tae!

Dahan dahan akong bumangon habang hawak hawak ko ang anak ko.

"Hahahha!" agad naman akong napatingin sa napaka ganda kong asawa.

"Tinatawa tawa mo diyan?" I asked.

"Mabango?"

"May tae bang mabango?" napangiti ako nang dahan dahang yumakap saakin si Ivan. Ang cute naman ng baby ko!

Dalawang taon palang tong si Ivan. Natigilan kami nang nakarinig kami ng sigaw.

"Daddyyy!!!" agad naman kaming napatingin sa may pintuan nitong kwarto namin.

"Yes baby?" I asked. Dali dali naman siyang sumampa dito sa kama.

"Away aku Kuya!" Vienna said. Tatlong taon na siya, kamukhang kamukha niya naman si wifey.

"Baby, wag ng iyak ha," sabi ko sabay yakap sakanya.

"Mommy!" agad naman akong napatingin kay Vyle. Ang kambal ni Vienna.

"Bakit malungkot ang baby boy ko?" Wifey asked. Agad namang yumakap sakanya si Vyle.

"Ayaw ako kalaro," sumbong ni Vyle sabay turo kay Vienna.

"Dapat hindi kayo nag aaway ha, bad yun. Magbati na kayo." wifey said.

"Oo nga mga anak, ang magkapatid, hindi nag aaway ha." I said.

Agad namang nagyakapan sa harapan namin sina Vyle at Vienna. Napangiti naman kaming dalawa ni Wifey dahil sa nasasaksihan namin.

"Mommy! Daddy!" sus ginuu! Nandiyan na si Zianne!

"Yes Zianne?" tanong ni wifey.

"Kapag po ba niluto ko yung kanin, rice cooker na ko?" agad naman akong napasapo sa noo ko.

"Halika nga dito Zianne," sabi ko. Agad naman siyang lumapit saakin nang biglang,

"Daddy! May problema ako!" agad naman akong napatingin kay Zion na dire diretsong pumasok at umupo sa kama namin. Kung maka asta tong batang toh akala mo hindi 4 years old eh.

"Anong problema mo?" I asked.

"Itong kagwapuhan ko." aniya sabay kindat. Takteng batang toh oh.

"Ayos lang yan, ganyan din naman ang problema k- aray!" agad naman akong napatingin kay wifey. Ba't ba bigla bigla na lang tong nambabatok?!

"Puro kalokohan yang mga sinasabi mo!"

"Bakit, totoo naman ah?!"

"Mommy, pengeng chocolate." Zianne said.

"Why?"

"Bibigyan ko lang po si Tristan."

"Kuya dapat ang itawag mo, kasi mas matanda siya sayo,"

"Eh Mommy, ayoko! Gusto ko Tristan lang para paglaki namin magiging mag asawa na kami,"

"San mo natutunan yan?!"

"K-kay Tita Tiffany po."

Ngumisi naman ako habang pinagmamasdan ko si Zianne. Hmmm? Mukhang bagay sila ni Tristan ah! Pero bata pa sila kaya dapat munang pigilan.

What's Wrong with Miss Maldita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon