Chapter 1: The Abyss of Darkness

5.5K 164 9
                                    

"Haah!! Hah!!! Hah!"

Humahangos na tila nauubusan ng hininga.

Takbo!

Walang lilingon...

Nandyan na sila.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Anim...

Pito...

Walo...

Siyam...

Sampu...

"Aaahhhhhhhh!!!!!!!!!"

Mga sigaw na di maririnig nino man.

Sa lugar na binabalot ng kadiliman at di tanaw na liwanag, maririnig ang mga hikbi at kalampag ng mga uhaw na nilalang na pilit kumakawala.

Mga sigaw na puno ng pag hihinagpis at pagkamuhi na tila naghahanap ng mapagbubuntungan ng ilang taong paghihirap.
.
.
.

May pag asa pa bang makatakas sa pagkaka bilanggo sa rehas na walang sinuman ang nakakapag bukas?
.
.

******

(AN: Warning!! Must Read!!
This story may contain horror, offensive, violence and mature content that may not suitable to other readers. Do not read unless you're in creepy stuff )

*******

"Haaahh haahh!!!"

Napabalikwas ng bangon si Chris. Habol hininga siyang humahangos. Kahit nanginginig ay pilit na inabot nya ang kanyang cellphone sa tabi ng kama.

3:00 am

Dinama niya ang kanyang buong katawan na halos maligo na sa pawis. Dali dali siyang tumungo sa kusina at nanginginig na binuksan ang ref para kumuha at uminom ng malamig na tubig.

Bahagya syang nahimasmasan. Napahilamos sya sabay hawak at kuyom sa kanyang dibdib. Halos lumabas na ang kanyang puso sa lakas at bilis ng pag tibok nito.

' pang limang bangungot na to'

Napaupo siya habang pinupunasan ang kanyang mukhang puno ng pawis at luha. Pilit niyang inaalala ang bawat detalye sa kanyang panaginip ngunit hirap siyang maalala at pagtagpi tagpiin ang kabuuan nito.

Tila may makapal na usok na tumatakip sa kanyang paligid at sa mukha ng mga nilalang sa kanyang panaginip. Ngunit iisa lang ang alam niyang natatandaan niya. Hindi tao ang mga ito at gusto siyang saktan.

Sa limang beses na binangungot siya, iisa lang ang mga pangyayare. Tila hinahabol siya ng mga ito. Meron ding tila nagmamakaawa na tulungan niya at meron ding gustong kunin siya.

Nanginginig siyang bumalik sa kanyang kama pero tila malabo na siyang dalawin ng antok.

Nag desisyon siyang maligo na lamang para mahugasan ang kanyang katawang basa ng pawis. Nagluto narin siya ng agahan habang hinihintay ang pagputok ng araw at liwanag sa kanyang silid.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon