Chapter 28: His Overflowing Desire (Part 1)

1.3K 77 4
                                    

Nagising si Chris sa tunog ng kanyang cellphone. Inaalimpungatan pa syang iniabot ito sa tabing mesa at sinagot.

"Hello?"

["Hello anak?"]

Agad syang napabalikwas ng bangon ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"Ma?"

["Naistorbo ba kita anak? Pagpasensyahan mo na kung napaaga ang tawag namin saiyo."]

"Wala po yun Ma, ayos lang po. Napatawag po kayo?"

["Ah, meron kasi tayong reunion ng mga kamag-anak natin. Gusto ko sanang malaman kung makakauwi ka sa susunod na linggo."] sagot nito.

Napatingin sya sa maliit na kalendaryo sa ibabaw ng mesa.

'Semestral break na next week.'

"Oo naman po walang problema. Tatawag po agad ako pagpauwi na ako." nakangiti nyang sagot.

["Salamat naman kung ganun anak. Basta mag-iingat ka parati dyan. Mahal na mahal ka namin."] anya ng kanyang ina na halatang tuwang-tuwa.

Ibinaba nya ang cellphone at nakangiting inunat ang katawan. Inilibot nya ang paningin ng mapansing nawawala ang kanyang kaibigan. Bababa na sana sya sa kama ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang binata dala ang food tray na puno ng pagkain.

"Oh? You're awake."

Nginitian nya ito sabay upo ng tuwid.

"How was your sleep?" inilapag nito ang tray sa harap nya at nakangiting umupo sa tabi nya. Inaabot din nito sakanya ang isang baso ng mainit na gatas.

"Hm, ok naman. Nga pala, kamusta na si Asmo?" tanong nya dito.

"Well... he's fine now, don't worry about him." tugon nito.

"Mabuti naman kung ganun."

Tahimik silang nagpakiramdaman ni Lyon bago muling nagsalita ang binata.

"By the way, what were you doing in that place last night?" seryosong tanong nito.

Biglang nabitiwan ni Chris ang kubyertos ng maalala ang bagay na hinahanap. Napatingin sya kay Lyon at malungkot na napayuko. Nagtataka naman syang tiningnan ng binata.

"Is there something wrong?" muling tanong nito.

Umiling si Chris at napabuntong-hininga.

"M-May naiwala kasi akong napakahalagang bagay. Hindi ko alam kung pano ko maipapaliwanag sakanya ang nangyare. Napakatanga ko, bigo akong ingatan ang bagay na ipinagkatiwala sakin."

Napatingin ang binata sa kanyang leeg. Kumunot ang noo nito sa sinabi nya, tinapik sya nito sa balikat at ngumiti.

"Gaanu ba ka-importante para sayo ang bagay na yun para ipahamak mo ang sarili mo?"

Iniangat ni Chris ang paningin sa binata sabay ngiti ng mapakla.

"Sobrang importante sakin ng bagay na yun. Yun lang ang natitirang pag-asa ko, ang dahilan kung bakit panatag akong walang mangyayareng masama sakin. Ang taong nagbigay sakin ng bagay na yun... malaki ang utang na loob ko at pasasalamat sakanya, sya ang dahilan kung bakit lumakas ako at patuloy na lumalaban."

Seryosong napatingin sakanya si Lyon, bahagyang sumilay ang ngiti nito sa mga labi at naubo.

" /cough!/ So.. napakaimportante ng taong nagbigay ng bagay na yun?"

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon