Lyon: Side Story 5

1.6K 75 21
                                    

"So you didn't manage to catch it?" anya ni Lyon na naka-krus ang mga braso habang mariing nakatitig kay Asmo.

Napasimangot naman si Asmo sabay napabuntong-hininga.

"Nakatakas sya agad matapos kong atakehin. Sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sya sa susunod." sagot nito na sumandal sa pader.

"I bet it's a level 3 demon." anya naman ni Bifron na sinusuri ang katawan ng isa sa tatlong babae na nakandusay.

Nasa loob sila ng isang silid na matatagpuan sa ika-anim na palapag ng dormitoryo.

Matagal nang ipinagbabawal na papasukan ang silid na ito sa lahat ng estudyante matapos ang insidenteng nangyare rito taon na ang nakalipas. Ngayung gabi, tatlo agad na estudyante ang nabiktima ng isang gutom na nilalang matapos na lumabag sa alintuntuning ito.

Kalunos-lunos ang mga nangyare rito, halos tuyo na ang buong katawan ng mga dalaga na tila ba sinipsip hanggang sa balat at buto nalang ang matira.

Isa sa kanila ay may malaking butas sa ulo na kasing laki ng isang barya, ang isa naman ay putol ang mga binti, habang ang isa naman ay may maiitim na marka sa paligid ng leeg na tila ba sinakal hanggang sa hindi na ito makahinga. Masasabing hindi basta-basta ang nilalang na yun lalo pa't nagawa nitong mambiktima ng hindi nila namamalayan.

"I found something that may lead us to that crazy demon." anya ni Asmo sabay inabot sakanya ang mahabang buhok.

Kinuha naman ito ni Lyon at dahan-dahang pinakiramdaman. Naamoy nya rin ang pamilyar na mabaho at malansang esensya mula rito dahilan para magsalubong ang kilay nya.

"Mullins, I want you to confirm something." utos nya sa binata sabay iniabot rito buhok.

"Lord Apollyon?"

"Sa tingin ko kilala ko na kung sino sya." tugon nya rito habang naniningkit ang mga mata.

Nagkatinginan naman ang dalawang binata na puno ng pagtataka. Napatango nalang ito sabay tinakpan ang bangkay ng tatlong mga babae.

*****

"Kamusta sya?"

Biglang lumitaw sa likuran ng doctor si Lyon na ikinagulat ng matanda.

Nilingon sya nito sabay hinubad ang suot na salamin.

"Lord Apollyon, ikaw pala. Maayos naman ang lagay nya, wala po kayong dapat na ipag-alala." nakangiting tugon nito.

Napatango sya sa sinabi nito at agad na nilapitan si Chris sa kama.

Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa kamay nya ang isang punpon ng iba't-iba at makukulay na bulaklak na hindi basta-bastang makikita sa mundo ng mga mortal.

Bagong pitas ang mga ito na kinuha nya pa sa kailaliman, hindi rin maikakaila ang kakaibang bango nito na tila ba nagbibigay ng banayad na pakiramdam.

Isa-isa nya itong maingat na inilagay sa vase na nasa ibabaw ng mesa na katabi ng kama ni Chris. Matapos ito ay naupo sya sa tabi ng kama ng binata sabay nakangiting hinimas ang mukha nito.

Buong pagmamahal nya ring idinampi ang kanyang mga labi sa noo nito.

'Ah... how I wish I can hug and kiss you tenderly right now.. You better wake up now little bastard'

Maya't maya pa ay napatayo sya sa kinauupuan at nilingon ang doctor.

"I'm leaving now, take care of him. May mga importante akong aasikasuhin kaya bukas nalang ulit ako babalik." anya nya rito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon