Chapter 17: Haunted (Part 2)

1.4K 91 2
                                    

"H-Haunted? Ako?" di makapaniwalang tanong ni Chris.

"Yes."

"P-panong nangyare yun? Alam ko namang matatakutin ako pero lahat naman siguro may kinakatakutan lalo na pag napunta sila sa ganitong sitwasyon."

"That was not the case. Masyadong malakas ang Yin mo compared sa Yang."

(AN: Yin represents dark swirl or dark energy. Yang represents light swirl or brightness)

"Y-yin?"

"Your constitution was too weak. It almost absorb all the Yin energy that surrounds you and even let them approach and cling onto you." sagot nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Dahan dahang lumapit si Apollyon kay Chris na nakaupo sa kama. Nagulat sya at napaatras. Halos dumikit na ang likuran nya sa kama. Nanlalaki ang mga mata nyang naitukod ang dalawang siko.

"I'm also curious...."

Umakyat ang binata sa kama at gumapang papalapit sakanya. Itinukod nito ang braso sa kama at seryosong tinitigan sya mula sa ibabaw. Hinawakan nito ang baba nya at iniangat papalapit sa mukha nito. Napalunok si Chris at nanginig ang labi.

"What's with you that makes it unbearable to control the lingering feeling of desires?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Chris. Tila nanlalambot ang kanyang mga buto sa mga titig nito at sa posisyon nila. Ipinihit nya ang ulo at pinagpapawisang iniwasan ang paningin ng binata.

"A-Ano bang pinagsasabi mo... H-hindi ko matintindihan ang ibig mong sabihin." halos mamaos na sya sa pagsasalita.

Tiningnan sya ng binata at ngumisi. Ilang sandali pa ay binitawan sya nito at dahan- dahang bumaba sa kanyang kama.

"You must need to become more vigilant and observant to your surroundings. Never trust anyone.... even I. Trust your own instincts and be more cautious in making decisions." sabi nito na tinalikuran sya.

Inayos ni Chris ang upo at tiningnan ang binata.

"If you don't have any more questions... I'm leaving.." sabi nito. Hindi na nito hinintay pa ang kanyang sagot at ilang segundo pa nga ay biglang naglaho sakanyang kwarto.

Tahimik namang nakatingin si Chris sa kawalan. Tila wala sya sa sarili na nakatulala.

'A-Anong nangyare?'

****

Sumulpot ang isang lalaking nakakapang itim sa ilalim ng puno sa tapat ng gusali ng dormitoryo. Napasandal ito sa kahoy na tinanggal ang talukbong sa ulo at maskara.

Napahilamos ito sa mukha at napasabunot.

'That was too close, I almost can't control myself...'

Naalala nya ang ekspresyon ni Chris ng magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi nya naiwasang tingnan ang mapupula at manipis na labi nito na medyo nanginginig, ang mabibilog nitong mga mata at ang maliit nitong namumulang mukha. Humugot sya ng malalim na hininga at napaupo.

'Haah! That was just...too cute...'

Napapikit sya at sumilay ang munting ngiti sa kanyang mga labi.

•••

"Chris...."

"Chris...."

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon