Chapter 14: Body Vessel (Part 3)

1.4K 93 2
                                    

~Flashback~
(2 hours ago)

Napapikit si Chris ng maramdaman ang pagdaloy ng alak sa lalamunan nya. Nakangiting tiningnan sya ni Cresil ng makitang nangalahati ang ininom nya.

"How is it?"

"Um... medyo matapang, pero masarap." sagot nyang namula.

"Hehe... inom ka pa." sabi ni Cresil na nilagyan pa ang wine glass nya. Hindi nya napansin ang maliit na bolang itim na inilagay ng dalaga sa baso nya dahil agad itong natunaw ng humalo sa alak.

Halos napuno ito sa dami ng inilagay na alak ng dalaga. Inabot nya naman ito at dire-diretsong inubos ang laman. Pabagsak nyang ipinatong ang baso sa mesa na humihingal. Matapos ang isang minuto ay nakaramdam sya ng pagkahilo.

Sobra din syang pinagpapawisan at tila nag iinit ang kanyang buong katawan. Tumingin sakanya si Cresil at hinawakan ang balikat nya.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito sakanya.

"O-oo, m-medyo nahihilo lang ako. P-punta lang ako sa cr." tumayo si Chris ngunit ilang sandali pa ay nawalan sya ng balanse. Agad syang hinawakan ng dalaga sa braso para suportahan sa pagtayo.

"Hmm, so bad... then let me help you." sabi nito na ngumiti.

Iniangat nito ang braso nya at iniakbay sa balikat nito. Lumingon ito sa paligid at ng masigurong walang nakatingin ay dali-dali itong lumakad palabas ng gymnasium.

Nasa labas na sila ng mapansin ng dalaga na nawalan na sya ng malay kaya napangiti itong dinilaan ang daliri nya. Binuhat sya nito na parang isang unan at ipinatong sa balikat nito. Hindi kapani-paniwala ang lakas nito kumpara sa isang normal na tao.

Hanggang tenga itong nakangiti na parang isang baliw at nanlalaki ang mga mata. Buhat sya nitong tumatakbo papunta sa isang abandonado at di kilalang lugar.

"Hihihi.... akin ka na ngayun Chris... wag kang mag alala... mabilis lang to, hindi ka makakaramdam ng sakit..."

*****

"Hello.."

["Yowww!!"]

"Nasan sya ngayun?" tanong ni Bifrons na nakatayo sa taas ng gusali ng gymnasium. Nakatanaw sya ibaba at sinusundan ng tingin ang isang nilalang.

["Aiya! Kausap nya ngayun ang ilang estudyante kaya ayaw nyang magpa istorbo."] sagot ni Asmo sa kabilang linya.

"Hmm ganun ba? Mukhang tangay-tangay na ng pusa ang alaga nyang daga." kalmadong tinanggal ni Bifrons ang maskara nya at inilagay ang salamin.

["As expected... hahaha... that brat was really stupid.. Hindi manlang sya nakinig sa mga sinabi ko... So panu ba yan, panalo ako! Akin na ang kotse mo."] tuwang tuwang sagot ni Asmo.

"Tsk.. vault 2, password 0898"

["Yay!! Thanks bro!"] tuwang tuwa na sagot nito.

Pinatay nya ang tawag at naupong pinagkrus ang hita. Pinagmasdan nya ang papalayong nilalang na tumatalon talon pa sa galak.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon