Chapter 35: The Sweetest Confession (Part 1)

1.1K 72 1
                                    

Napatingin si Chris kina Bifron na tahimik na nakatingin sakanila at tila nagpapakiramdaman.

"Ah... S-Senior.."

"Do as you like.. tutal naman para to sa lahat ng estudyante." malamig na tugon ni Bifron.

Nilingon nya si Zel na nakangisi.

"U-Umm.. then may maitutulong ba ako?" nahihiyang tanong nya.

"Ayos lang, isa pa hindi pa magaling ang mga sugat mo." sagot nito.

"K-Kung ganun, pupuntahan ko muna si Austin."

Sinulyapan nya muna ang mga ito sabay nagmamadaling umalis.

'Mas mabuti ng umiwas ako... mukhang hindi maganda ang sitwasyong kinabibilangan ko.'

*****

Tumagal ng isang oras bago matapos ang paghahanda ng pagkain. Kanya-kanyang pwesto din sila sa mga inilatag na malalaking tela.

Lalapit na sana sa ibang pwesto si Chris ng akbayan sya ni Asmo.

"Where are you going?" nakangiting tanong nito.

"Ah.. um.. p-pwede bang wag na akong—-.."

"Come here, you're not going anywhere." hinila sya nito at pwersahang pinaupo sa tapat ni Lyon na tahimik at hindi sya sinusulyapan man lang.

Kalapit nya rin si Austin na tila walang pakealam sa mga nangyayare, tanging nasa mga pagkain lang at kina Asmo ang atensyon nito. Nagkikwentuhan ang mga ito at masayang nagtatawanan pa.

Ilang sandali pa ay isang binata ang naupo sa tabi nya dahilan para tumahimik ang mga ito.

"Hmm... it looks delicious." anya ni Zel na nakangiti.

Kumuha ito ng inihaw na isda at liempo sabay nakangiting nilagyan ang paper plate ni Chris. Hindi nito pinansin ang mga kakaibang titig ng mga nkapalibot sakanya. Ipinaghiwa din sya nito ng karne, itinusok nito ang tinidor dito at inilapit sa bibig nya.

"Have a taste." anya ni Zel na idinikit ito sa labi nya.

Nanlaki ang mga mata nya sa inakto ng binata. Nagulat din sina Asmo at Bifron na sabay na napatingin kay Lyon na bakas ang pagtitimpi. Nanininingkit ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamay na nakatingin sa dalawang nasa harapan nito.

Ilang sandali pa ay iniwas ni Lyon ang paningin sakanila. Napapikit ito at umaktong walang pakealam sa mga nangyayare.

Napangiti naman si Zel na inilapit ang mukha sakanya.

"You don't like it?" tanong nito ng makitang di nya ibinubuka ang kanyang bibig.

"K-Kaya ko na ang sarili ko, di mo naman kailangang—-.."

Nagulat si Chris ng biglang ipinasok nito ang karne sa bibig nya habang nagsasalita. Napakurap sya sa binata na natawa sa ekspresyon nya. Wala sa sariling napanguya sya at napayuko sa kahihiyang ito.

"How is it? Tasty?" inilapit ni Zel ang kamay sa mukha nya. Pinunasan nito ang sauce sa gilid ng kanyang labi gamit ang daliri at ilang sandali pa ay mapang-akit na dinilaan ito.

Napaatras sya sa ginawa nito sabay takip sa kanyang bibig gamit ang braso nya.

"Z-Zel.."

"Let's eat." anya nito na ngumiti at umaktong walang nangyare.

Pumagitna nang muli ang katahimikan sa pagitan nila ngunit wala pang 30 minuto ng tumayo sa kinauupuan si Lyon. Nagtataka silang sabay-sabay na napatingin dito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon