Chapter 34: Abaddon: Trust (Part 2)

1K 71 1
                                    

"Aaaaaahhhhhhhh!!!!!"

Mga sigaw ng pagdurusa ang maririnig sa kailaliman ng kadiliman na kung saan walang sinuman ang naglalakas loob na galitin ang kanilang panginoon.

"Sigurado ka bang ayos lang si Lord Apollyon? Kanina pa sya ganyan, halos takot na ang lahat na lumabas sa kani-kanilang lungga matapos ang ginawa nya." nag-aalalang tanong ni Thamuz, isa sa pinakamatanda at miyembro ng mataas na konseho.

"Hayaan nyo muna sya, pagsabihan nyo nalang ang lahat na itago ang kani-kanilang abo kung gusto pa nilang makaapak sa ibabaw." anya ni Bifron na nakaupo sa sofa habang pinapanood ang paglipad ng espada sa ibabang bahagi ng gusali.

" /yawnnn!!/ Di ko akalain na ganito katindi magalit si brother Apollyon, konti nalang ubusin nya tayong lahat." sabi naman ni Asmo na nakahiga sa sanga ng malaking itim na kahoy at kumakain ng ubas.

"Kung ganun Lord Bifron at Lord Asmodeus, kayo na ang bahala kay Lord Apollyon. Kakausapin ko ang mataas na konseho para ikansela ang pagpupulong at ipagpatuloy kapag maayos na ang lahat."

"Maraming salamat Thamuz." sagot ni Bifron na binuksan ang lagusan palabas ng kanilang silid.

Ilang sandali pa nga ang naglaho na ang matanda kasabay ng pagsara nito.

"Ano kayang nangyari sa lovebirds natin.. Sa tingin mo, may kinalaman kaya si Lord Azazel dito?" tanong ni Asmo na lumutang sa ere at ilang sandali pa naupo sa tapat ni Bifron.

"Hindi ako sigurado, pero... sa tingin ko may kinalaman to kay Chris."

"Lover's quarrel? Woah, malala nga to. Wala pang isang oras, pero mahigit limang daan na ang nahuhuli at napapatay nya. Masyadong masipag ngayun mag hunting ang panginoon natin." sagot naman ni Asmo na napailing nalang.

"Di na ako magtataka kung maya-maya ay umakyat sya rito kapag nagsawa na sya sa maliliit na minions sa ibaba at hamunin tayo ng 2 vs 1 ." napabuntong hininga na lamang si Bifron, inabot nya ang tasa ng tsaa sabay inom nito.

Hindi pa nalulunok ni Bifron ang likido sa bibig nya ng bigla ngang sumulpot sa harapan nila si Apollyon. Muntik nya ng maibuga ito dahil sa gulat, nalaglag rin sa kinauupuan si Asmo na agad itinago ang sariling abo.

Hawak nito ang sandatang puno ng maiitim na dugo, tumutulo rin ang likidong ito mula sa mga daliri ng binata. Makahulugang tiningnan sila nito dahilan para sabay silang mapatayo.

Kanya-kanya nilang inilabas ang kanilang ang mga sandata. Death scythe kay Bifron at nag-aapoy na bow and arrow naman kay Asmodeus na kayang maglabas ng sampu o higit pang arrow sa isang tira lamang.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang labanan sa pagitan nilang tatlo na walang kasiguraduhan kung kelan matatapos.

*****

Hindi namalayan ni Chris ang pagputok ng araw at liwananag. Hindi sya nakatulog at magdamag na inaalala ang kalagayan ni Lyon at ang nangyare naman sa pagitan nila ni Apollyon. Isinubsob nya ang mukha sa unan ng biglang may pumasok sa loob ng tent.

"Zel?"

"Morning." nakangiting bati nito sakanya.

"M-Morning, anong ginagawa mo dito?"

"Ah sorry, naistorbo ba kita? Naisip ko lang na dalawin ka at kamustahin ang kalagayan mo." paliwanag nito.

"Ayos lang ako, magpahinga ka na muna isa pa exempted naman tayo sa activities ngayun araw—.."

"...iniisip mo parin ba sya?" singit ni Zel na seryosong tiningnan sya.

Napaawang ang mga labi nya sa katanungan nito.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon