Lyon: Side Story 3

1K 71 5
                                    

'Fuck... what am I going to do with you.'

Inaalala nya kung saan at pano ba sya nagkamali sa pamimili ng kanyang ghost bride. Isa syang makapangyarihan at pinaka-iginagalang na nilalang sa kailaliman ngunit hindi nya napagtagumpayan ang simpleng bagay na ito.

'Ah!.. I remember now.'

Naalala nya na nung mga panahong yun ay kakatapos lang mangyare ng insidenteng 'iyon' at wala pa sya sa tamang katinuan. Iyon din ang unang beses na tumupad sya ng kahilingan kapalit ng taong ito.

Naisip nyang hindi magandang balita ito lalo na kapag nalaman ng mataas na konseho ang tungkol sa kabiguang ito.

'That's right.. I just need to cancel the contract and cut all ties with him.. then it's all settled... but also... it will be over for him.'

Napatingin sya sa maamong mukha ng binata na inosente at walang kaalam-alam sa mga nangyayare.

Nangalit ang ngipin nya sabay napahilamos.

'Damn it!! Since when did I concern myself with a mere mortal? Not only that, he's also a fool and coward person... a total package of stupid and low creature.'

Muli syang napasilip sa pagitan ng kanyang mga daliri sa may kaliitang katawan ng binata.

Dumapo ang paningin nya sa leeg pababa sa dibdib hanggang sa may puson nito. Napalunok sya sabay napakurap matapos itong obserbahan

'N-Not bad... He has a feminine and nice body... and also..'

Napako ang atensyon nya sa maninipis at mapupula nitong labi.

'It looks...tasty.... Huh?! Fuck! What the hell am I thinking?!'

Pakiramdam nya ay nasisiraan na siya ng ulo. Nawawala sya huwisyo sa tuwing tinititigan nya ito at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan.

'No... I guess I better observe him for a few more days before doing anything.. yeah that's right...'

Muli nya itong sinulyapan bago tumayo mula sa kinauupuan.

'You better behave yourself, don't make any troubles behind my back... my bride.'

Ilang sandali pa ay nagpalit anyo na sya bago tuluyang lumabas ng silid.

*****

Kakatapos lang ng nakakainip na maghapong klase ni Lyon. Papunta sya ngayun sa dating tambayan nya upang magpahinga at umidlip ng kahit konting minuto bago bumalik sa kailaliman.

Medyo may kadiliman na rin ang paligid at kokonti nalang ang mga estudyanteng pagala-gala sa loob ng unibersidad. Naisipan nyang dumaan sa tapat ng unibersidad papunta sa paroroonang lugar ngunit hindi pa sya nakakalabas ng pasilyo ng maamoy ang napakatamis na esensya.

Napakunot noo sya at sinubukang sundan ang pinanggagalingan ng pamilyar na amoy na ito. Ilang sandali pa nga ay nakarating sya sa labasan ng pasilyo kung saan nakatayo ang dalawang nilalang.

Agad syang nagtago sa likod ng isang poste at mariing pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.

"...Ah o-oo, pang l-limang araw ko palang dito sa City A"

"Hahaha! Relax, wag kang ma tense"

Nagsalubong ang kilay nya ng marinig ang sinabi ng dalagang kausap ni Chris.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon