Chapter 33: Abaddon: Trust

1K 64 1
                                    

"Apollyon? I-Ikaw ba yan?" muling tanong ni Chris sa nilalang na nasa harapan nya.

Dahan-dahang lumapit sya rito na agad namang naramdaman ni Apollyon. Napalunok ito at nanlilisik ang mga matang tinitigan si Ouza.

"Kekeke!! Anong masasabi mo sa—-... aaaccckkk!!"

Mas diniinan pa ni Apollyon ang pagkakatarak ng hawak na sandata dahilan para manginig ito at unti-unting magliyab ang buong katawan nito.

"Chris!! Lumayo ka sakanya!! Isa syang demonyo!!" sigaw ni Zel sakanya.

"P-Pero—-.."

"Aaaaaahhhhh!!!" sigaw naman ni Ouza na ikinagulat nya.

Tuluyan na nga ito naging abo at ilang sandali pa ay naglaho na parang bula.

"A-Apollyon?" nanginginig syang napaatras sa kinatatayuan.

"Chris!" agad naman syang hinila ni Zel ng mapansing nakatulala sya sa binata, "...umalis na tayo! hindi na tayo ligtas sa lugar na to!"

"P-Pero sya si Apollyon, h-hindi nya magagawang pumatay ng kahit sino man.. diba Apollyon?" sagot nya rito, ibinaling nya ang atensyon sa binatang nakatalikod sakanya at hawak pa rin ang sandata.

Dahan-dahang nilingon sila nito dahilan para mapalunok sya.

"A-Apollyon."

Nababalot ang mukha nito ng makapal na usok dahilan para di nya makita ang mukha nito.

"Chris." anya ni Apollyon na humakbang papalapit sakanya.

Unti-unti syang napangiti ng makompirmang ito nga ang nilalang na tinutukoy nya.

"Sabi ko naman sayo Zel, hindi sya——..."

Hindi nya pa natatapos ang kanyang mga sasabihin ng biglang sumulpot sa kanyang harapan ang binata, at itarak nito ang espada kay Zel na nasa likurang bahagi nya.

"Aaahhh!!!"

Unti-unting napawi ang mga ngiti nya sa labi kasabay ang pamimilog ng kanyang mga mata. Nilingon nya ang binata na bumagsak sa kinatatayuan, hawak nito ang kaliwang bahagi ng dibdib na puno ng pulang likido.

"Zel!!"

Agad nyang nilapitan ang binata, nanginginig ang mga kamay nyang hinawakan ang sugat nito nang sa gayon ay kahit papano mapigilan ang pag-agos ng dugo nito.

"Z-Zel——.."

"Stay away from him Chris!! Hindi sya normal na tao, gusto ka nyang sak—-.."

"Shut up!! Lumayo ka samin!!!!" sigaw ni Chris kay Apollyon dahilan para matulala ito at mapatigil sa pag-sasalita.

Mapupula ang mga mata nyang tinitigan ito ng masama habang hawak si Zel.

"Bakit mo to ginagawa?!! Akala ko kaibigan kita!!! Akala ko mapagkakatiwalaan kita!!! Pero mali ako!! Isa ka rin sakanila!! Isa ka ring demonyo!!" sigaw nya dito kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha, "wag na wag ka ng magpapakita sakin kahit kailan, dahil ito na ang huling beses na nanaisin kong makita ka."

Hindi nakapagsalita si Apollyon na halatang nagulat sa kanyang mga sinabi. Tila binagsakan ito ng langit at lupa sa mga binitawan nyang salita.

"C-Chris, tumakbo ka na." anya ni Zel na habol hiningang itinutulak sya. Biglang umagos ang dugo mula sa bibig nito dahilan para mag-alala sya.

"Hindi! Hindi! Minsan mo na akong iniligtas, kaya hindi kita hahayaang mapahamak at maiwan dito. Magkasama tayong aalis rito."

Dahan-dahang iniangat nya ang braso nito upang suportahang makatayo.

The Haunted  (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon